Thursday , August 14 2025

Maynila no. 2 carnap city

00 joy to the world ligaya

I love the Lord. He heard my voice; he heard my cry for mercy. Because he turned his ear to me, I will call on him as long as I live. ——Psalm 116: 1-2

MAYNILA, ang bagong pag-asa, ito ang tema ngayon sa Manila city hall, paano kaya nila masasabi ito gayong No. 2 ang Lungsod bilang carnapping city sa bansa?

Kahiya naman ang ganitong mga uri ng propaganda. Malayong-malayong sa realidad ng buhay.

Magpakatotoo naman kayo nuh?!

***

TUMAAS ng 68 porsiyento o 3,027 reported carnapping cases sa bansa. Nangunguna pa rin ang Quezon City sa may pinakamataas na bilang ng mga nawawala o nakakarnap na sasakyan.

Pumapangalawa ang City of Manila, na may bilang na 2 kada araw ang nakakarnap na motor vehicles.

Hindi pa kasama riyan ang unreported cases!

TOWING, CARNAPPER DIN!

PERO sa tingin ng inyong lingkod ay sisiw pa ang bilang na ‘yan, kung isasama natin ang walang patumanggang towing cum carnap na ginagawa ng mga abusadong towing services na binigyan ng akreditasyon nina Manila Traffic and Parking Bureau ni Carter Logica at Manila Traffic Unit ni Major Olive Sagaysay na mag-operate.

Aba, may 10 hanggang 20 sasakyan ang nato-towing sa Lungsod, araw-araw, wala pang patawad ang towing operators na RWM at PMA towing services kahit madaling araw ay tuloy ang kanilang carnapping este towing operation

Ganyan katalamak ang carnapping ng mga towing sa Maynila!

***

KAYA sana matuloy na ang hinihiling na imbestigasyon ni Senadora Grace Poe-Llamanzares sa senado na buwagin ang mga towing services na nagsisilbing mga carnapper lalo na sa Metro Manila.

Sa Senate Resolution No. 708 ni Sen. Poe, nais niyang siyasatin ang mga naglipanang fly-by-night towing services na walang habas na nanghahatak ng mga pribadong sasakyan.

Tingin nila sa sasakyan, pera!

***

NABATID ni Sen. Poe na may 24 towing services lamang ang binigyang akreditasyon ng MMDA na magsagawa ng operasyon sa Kamaynilaan.

Teka, kasama kaya riyan ang dalawang towing services nina Espiritu, Ibay, Borromeo et al, na isinusuka ng Manilenyo?!

***

NALAMAN natin na may siste pala sa pagto-tow sa sasakyan, kinakailangan ay bubusina muna nang malakas ang paparating na tow trucks upang mapukaw ang atensyon ng may-ari ng sasakyang ito-tow.

Pero rito sa Maynila, basta nakita nilang magara ang sasakyang ito-tow, nagkakandarapa sila sa pagkakabit ng bakal para hatakin. Kaya paglabas mo ng opisina, akala mo nawawala ang sasakyan, ‘yun pala kinarnap ng mga hinayupak na towing services.

Kakahiya talaga rito sa Maynila!

***

TAMA si Sen. Poe, dapat kasuhan ng car theft o carnapping ang towing services na lumalabag sa SOP sa paghatak ng mga sasakyan.

Teka, idamay na rin natin ang mga opisyal na nagbigay akreditasyon sa mga abusado at malulupit na towing services.

Tutal damay rin sila sa kita ng mga towing!

ANG 40 ELECTRIC TRANSPORTER, BOW!

MAY 40 mga bagong electric transporter na naman ang ipinagkaloob ng city hall sa ating pulisya. Donasyon daw ito ng pribadong sektor para sa Manila Police District (MPD) para makatulong daw sa pagsugpo ng krimen.

Dios Mio naman, 20 to 30kph lamang ang kayang takbuhin nito, mas mabilis pang tumakbo ang isang snatcher sa Recto kaysa transporter.

***

SA totoo lang hindi akma ang ganitong uri ng behikulo sa mga pulis-Maynila. Ginagamit lamang ito ng mga guwardiya sa mall para sa pag-iikot sa mga establisimento.

Dahil kung ito ang gagamitin na panghabol sa mga kriminal, dyusko, baka natutulog na ang mga kriminal sa kanilang bahay, ang pulis nagpapaandar pa ng kanyang transporter.

Ano ba ‘yan?!

***

ABA, pero ito ang good news, magkakaroon na raw ng police visibility sa mga pangunahing lansangan ng Maynila. Sinabi ito ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Carmelo Valmoria.

May 138 rookie cop umano na ikakalat sa Lunsgod. Mga nakasuot ng uniporme na makikita ng publiko at tutulong din daw sa pagmamando ng trapiko sa kalsada. Pero ang bad news dito, wala silang dalang mga baril, anong silbi ng pulis na walang baril laban sa mga criminal?

Susme, anong kalokohan ito? Paki-explain?!

Para sa anumang komento, mag-email sa joy_column@yahoo.com o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng …

Gymnastics

FIG technical group bibisita para suriin mga hotel at entablado na pagdarausan ng 3rd World Junior Gymnastics Meet

DARATING bukas, Miyerkoles, ang mga nangungunang opisyal ng International Gymnastics Federation (FIG) upang inspeksiyonin ang …

Tristan Jared Cervero

Tristan Jared Cervero wagi sa paligsahang Xiangqi sa PH

NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand …

Ivan Travis Cu Chess

FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs

IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu …

Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *