Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May binatbat si Codiñera bilang coach

00 SPORTS SHOCKED

NANG italaga si Jerry Codinera bilang head coach ng Arellano University Chiefs ay may ilang nagduda kung malayo ang mararating ng koponang ito.

Kasi nga, hindi naman talaga makinang ang credentials ni Codinera bilang coach.

Makinang ang kanyang credentials bilang manlalaro dahil sa napatunayan niya na isa siyang kampeon mula sa panahon niya sa University of the East, hanggang sa Philipine Amateur BasketballLeague hanggang sa Purefoods Tender Juicy Giants sa Philipine Basketball Association.

Pero bilang coach ay hindi malayo ang kanyang narating habang hawak ang teleperformance sa PBL, assistant ng University of the Philippines Fighting Maroons at head coach ng UE Red Warriors.

Katunayan, hindi nga natapos ang season niya sa UE bilang head coach dahil sa pinalitan siya ni David Zamar sa kalagitnaan ng elims.

So, natural lang na mangamba ang ilan sa kahihinatnan ng Chiefs.

Pero kumpiyansa ang pamunuan ng Arellano sa kakayahan ni Codinera. At nagbunga naman ito.

Sa katapusan ng first round ng eliminations ay tabla ang Chiefs at defending champion San Beda Red Lions sa record na 7-2.

At maganda rin ang simula ng second round dahil sa nagwagi sila kontra San Sebastian Stags.

Well, so far so good para sa Chiefs at kay Codinera.

Sana nga ay magtuluy-tuloy na ito para kay Defense Minister.

Kailangang patunayan niya na sa larangan ng basketball ay puwede ring maging matagumpay na coach ang isang sentro!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …