Wednesday , August 13 2025

Hook Shot, Princess Ella puwedeng bumulaga

00 rekta Fred

Hindi pa man natatapos ang kuwentuhan sa naganap na “Challenge of Champions Cup” sa pista ng SLLP ay matunog na rin ang usapan sa paparating na “1st Leg, Juvenile Fillies & Colts Stakes Race” na idaraos ngayong Linggo sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang nasabing tampok na pakarera ay kinabibilangan ng mga bagitong mananakbo na sina Cat Express, Cock A Doodle Doo, Hook Shot, Jazz Asia, Karangalan, Leona Lolita, Princess Ella, Super Spicy at Viva La Vida.

Sila ay maglalaban sa maikling distansiya na isang kilometro (1,000 meters) lang, kung kaya’t kinakailangan na maging maagap sa puwestuhan ang mga hineteng magdadala sa kanila pagbukas pa lang ng aparato.

Base sa kanilang mga rekord na aking narebisa ay hindi nagkakalayo ang karamihan sa kanila sa lundagan o ayre sa arangkadahan, pero base sa sukat ng laban at kapasidad na aking napanood ay lalagay ako dun sa mga nasa gitnang posisyon na kayang lumusob pagsungaw sa rektahan. Kaya ang mga pangunahing napipisil ko ay sina Hook Shot at Princess Ella.

Fred L. Magno

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng …

Gymnastics

FIG technical group bibisita para suriin mga hotel at entablado na pagdarausan ng 3rd World Junior Gymnastics Meet

DARATING bukas, Miyerkoles, ang mga nangungunang opisyal ng International Gymnastics Federation (FIG) upang inspeksiyonin ang …

Tristan Jared Cervero

Tristan Jared Cervero wagi sa paligsahang Xiangqi sa PH

NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand …

Ivan Travis Cu Chess

FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs

IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu …

V League

V-League Collegiate Challenge ngayong Sabado na

Ynares Sports Arena, Pasig 10 a.m. – NU vs Arellano (Men) 12 p.m. – UST …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *