Wednesday , May 7 2025

Ano ang mangyayari ‘pag wala si Adeogun sa San Beda?

00 SPORTS SHOCKED
MALAKING bagay talaga para sa defending champion San Beda Red Lions si Olaide Adeogun kung nais nilang mapanatili ang kampeonato sa 90th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Iba siyempre kapag mayroon kang tinatawag na ‘tower of Power” sa gitna. Mahalaga na ma-control ang rebounds sa bawat laro, e. Kumbaga’y tumataas ang kompiyansa ng lahat kapag alam nilang may kukuha ng rebounds sakaling magmintis ang tira nila. Matapang din sila sa depensa dahil hindi basta-basta makakapasok sa shaded area ang kalaban.

So, ano ang mangyayari kapag nawala si Adeogun?

Well, nasagot ito noong Miyerkoles nang matalo ang Red Lions sa Letran College Knights sa pagtatapos ng first round ng eliminations.

Bunga ng pagkatalo ay nakatabla ng Red Lions sa unahan ang Arellano University Chiefs.

Si Adegun ay hindi pinaglaro ni coach Boyet Fernandez dahil sa hindi ito nakipag-ensayo sa Red Lions nang tatlong beses.

Dinisiplina siya ni Fernandez. At nasabi nitong hindi porke’t superstar si Adeogun at kailangan siya ng team ay puwede na siyang lumiban sa ensayo.

Na siyang tama.

Sa Ingles, “No one is greater than the team.”     Well, eye-opener para sa Red Lions ang nangyari.

Hindi naman natin sinasabing matatalo na ang Red Lions kapag hindi naglaro si Adeogun hanggang sa dulo ng season.

Mananalo pa rin naman sila at puwedeng mapanatili nila ang korona. Kailangan lang na mag-adjust sila sa kanilang bagong roles at patterns. Hindi lang sila handa noong Miyerkoles, e.

Marami namang ibang malalaking manlalaro ang San Beda na puwedeng pumapel sa pinapapelan ni Adeogun.

Pero teka, mukhang okay na si Adeogun. Mukhang nag-eesayo na siya.

So, balik normal ang Red Lions!

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

 OLONGAPO CITY, Zambales – Namayani ang mga atletang Hapones sa elite division ng 2025 Subic …

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *