Bumanderang tapos ang kabayo ni Mandaluyong City Mayor Benhur C. Abalos Jr. na si Malaya sa naganap na “PCSO National Grand Derby” nitong nagdaang Linggo sa pista ng Sta. Ana Park. Base.
Sa naging takbuhan mula sa largahan ay hindi nagkalayo sina Malaya ni Unoh Hernandez at Tap Dance ni Jesse Guce, subalit pagpasok sa rektahan ay medyo nakaramdam na ng pagod ang dala ni Jesse kung kaya’t lumayo pa ng may mga limang kabayong agwat sina Unoh pagdating sa meta.
Para sa kumpletong datingan mula pangalawa ay sina Tap Dance, Manalig Ka, Fire Bull at Wild Talk. Naorasan ang nasabing tampok na pakarera ng 1:38.0 (25′-23′-23′-25′) para sa distansiyang 1,600 meters.
Sayang at hindi nakasali sa labanang iyan ang alaga ni Mayor Sandy Javier Jr. na si Marinx. Karamihan kasi sa mga BKs ay nagulat sa tinapos ng nasabing kabayo na nakapagtala ng 1:12.0 (24′-22′-25′) sa distansiyang 1,200 meters na punong-puno pa nang makatawid sa linya. Sadyang impresibo ang kanyang nagawa at harinawa’y magkaharap silang muli nina Malaya at Love Na Love sa iisang laban.
Fred L. Magno