Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis umayaw 8-anyos anak biniyak ni mister

073114_FRONT

“Aray Papa, masakit!” Ito ang narinig ng isang ginang nang maaktohan habang hinahalay ng kanyang mister ang 8-anyos nilang anak na babae kamakalawa ng madaling-araw sa Malabon City.

Kulong ang suspek na kinilalang si Aldrin Tacay y Bayot, 34, construction worker, ng Pitong Gatang St., Brgy. Dampalit.

Nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Anti-Child Abuse), nakapiit sa detention cell ng Malabon Police.

Batay sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Malabon Police, dakong 2:30 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay.

Salaysay ng ginang, nang dumating sa kanilang bahay ang kanyang asawa ay agad siyang niyaya na sila ay magtabi ngunit tumanggi siya dahil lasing ang suspek.

Humantong ito sa kanilang mainitang pagtatalo hanggang magpasya ang ginang na lumabas kaya naiwan ang mag-ama sa bahay.

Pagbalik ng ginang ay nagulantang nang maaktohan ang asawa habang ginagahasa ang kanilang anak.

ni ROMMEL SALES

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …