Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lolo tigok sa romansa ng bebot

073114 dead prosti

CEBU CITY – Idineklarang dead on arrival ang isang 63-anyos lolo sa pagamutan makaraan nahirapang huminga habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng isang hotel sa lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu.

Kinilala ang biktimang si Herculano Dico, may asawa, at residente ng Brgy. Babag-1, sa nasabing lungsod.

Ayon sa staff ng BSM Hotel na si Anelyn Petalyar, biglang lumabas sa kwarto ang babaeng kasama ng biktima at humingi ng tulong dahil nahirapang huminga si Dico.

Bunsod nito, agad silang tumawag sa Emergency Rescue Unit Foundation para matulungan ang biktima.

Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Sa salaysay ng babae na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi niya asawa ang biktima.

Aniya, pino-forelay niya ang biktima nang biglang nahirapang huminga at nangisay kaya humingi siya ng tulong.

Dagdag pa ng babae, uminom muna ng sex enhancer ang biktima bago sila nagtalik.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …