Tuesday , April 15 2025

Pangasinan hospital aapela vs 100 millionth baby

DAGUPAN CITY – Posibleng iapela ng pamunuan ng Pangasinan Provincial Hospital sa lunsod ng San Carlos ang paniniwala nilang sa kanilang pagamutan isinilang ang tinaguriang 100 millionth baby na inabangan noong madaling araw ng Linggo.

Ayon kay Dr. Policarpio Manuel, Chief of Hospital ng PPH, eksaktong 12:20 a.m. ipinangana k ni Pamela Pedronio ang sanggol na lalaking si John Paul, siyang pinakamalapit sa oras na itinakda ng PopCom para sa pagpili ng maswerteng sanggol na mabibigyan ng maraming benepisyo hanggang paglaki.

Ipinanganak aniya si Baby John Paul sa pamamagitan ng normal delivery na isa sa requirements sa pipiliing sanggol.

Binigyang-diin ni Manuel, dapat ay na-monitor ito ng PopCom national Office.

Matatandaan, nagmula sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa lungsod ng Maynila ang kinilalang ika-100 milyong Filipino na ipinanganak dakong 12:35 a.m. ng Hulyo 27.

Pagkakalooban ng regalo ang sanggol ng ilang ahensiya ng pamahalaan, habang ang ibang grupo ay magkakaloob ng tulong hanggang sa paglaki ng napiling sanggol.

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *