Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Red carpet agaw-eksena sa SONA

072914 sona red carpet

PATALBUGAN sa Filipiniana gowns sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino kahapon.

Sa bawat SONA, agaw-pansin ang red carpet fashion ng mga mambabatas at misis ng mga kongresista.

Nagsisilbi rin itong showdown ng mga kilalang designer para sa kanilang mga obra.

Isa na sa suki tuwing SONA ay ang designer na si Randy Ortiz. Ngayong taon, siya muli ang nagdisenyo ng suot nina Sen. Nancy Binay at Ormoc Rep. Lucy Torres Gomez.

Nude champagne serpentina gown ang suot ni Lucy sa SONA. Habang dalawang bihis si Sen. Binay na sa umaga ay isinuot ang puting silk chiffon na may drape detail.

Ang Presidential sister at TV host na si Kris Aquino ay dilaw na Maria Clara ang suot na gawa ng designer na si Cary Santiago.

Napili ni Heart Evangelista na designer si Joey Samson sa kanyang suot na gown na sinasabing nag-compliment sa outfit ng kasintahang si Sen. Chiz Escudero.

Ethnic fashion si Se. Loren Legarda sa suot na mula pa sa Davao region at dalawang buwan daw ginawa.

Puting Filipiniana gown ang suot ni Sen. Grace Poe na gawa ng designer na si Paul Cabral.

Agaw-eksena rin ang kulay peach na mga gown ng party-list representatives na sabay-sabay pang pumasok sa Batasang Pambansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …