I press on toward the goal to win the prize for which God has called me heavenward in Christ Jesus. —Philippians 3:14
HABANG isinusulat natin ang kolum na ito kahapon ay nagdedeliber ng kanyang State of the Nation Address o SONA ang ating Pangulong Pnoy sa kongreso.
Inilahad ni Pnoy ang kanyang mga nagawa sa nakalipas na taon at ang pagtatangol niya sa mga proyektong pinaglaanan ng kanyang Disbursement Acceleration Program o DAP.
Katangap-tanggap sa taumbayan!
***
SAMANTALA ang isinagawa naman ng da-ting Pangulong Erap na State of the City Address o SOCAay hindi naging katangap-tangap sa mga Manilenyo.
Basura sa nakararaming Manilenyo ang SOCA ng dating Pangulo, dahil wala naman naganap na pagbabago sa Maynila sa nakalipas na isang taon panunungkulan sa Lungsod.
Kasuka-suka sa Manilenyo!
***
KAYA kung pagbabatayan ang SONA ni Pnoy ito ay isang very good accomplishment sa gobyerno.
Habang ang SOCA na inilahad naman ng dating Pangulo Erap sa mga Manilenyo ay maituturing na isang malaking krimen na kailangan ang saklolo ng:
Scene of the Crime Operatives o SOCO!
57 YEARS
OF INCORRUPTIBLE
PUBLIC SERVICE
MAGULO ang politika sa bansa ngayon. Pero ang totoo hindi naman masama ang politika, ang masama, ang mga politiko.
Ginagamit ang politika upang magpayaman. Ginagawang negosyo ang serbisyo publiko.
Kaya ang resulta, sumasama ang takbo ng gobyerno!
***
MABIBILANG lang talaga sa daliri natin ang matitino at tunay na lingkod bayan.
Mga public servant na ibinuhos ang buhay para sa kapakanan ng taumbayan, hindi para sa sarili.
Iilan lamang sila mga kabarangay!
MAYOR ALFREDO S. LIM,
A TRUE PUBLIC SERVANT
AT kabilang nga ang minamahal nating Alkalde Alfredo Siojo Lim. Si Mayor Lim na kailanman ay hindi nadungisan ang pangalan sa paglilingkod sa bayan.
May 38 taon naglingkod bilang alagad ng batas. Rose from the ranks ang kanyang career na hindi umasa sa politiko upang ma-promote lamang. Angking talino at galing sa pagiging law enforcer ang ipinamalas ni Patrolman Lim hanggang magretiro bilang Major General (2 star General) at Director ng noo’y Western Police District (WPD).
POLICE, NBI DIRECTOR,
MAYOR OF MANILA,
DILG SECRETARY, SENADOR
PAGKARETIRO, hinirang bilang Director ng National Bureau of Investigation (NBI) ng namayapang Pangulong Cory Aquino. Dahil sa dedikasyon sa trabaho sa pagsugpo ng kriminalidad, naging popular sa publiko na naghikayat sa kanya upang lumahok sa politika.
Noong 1992, tumakbong Alkalde ng Maynila at nagwagi. Mula 1992 hanggang 1998 naging matiwasay ang kalagayan ng Lungsod. Nakatutulog nang mahimbing ang mga Manilenyo sa kani-kanilang pamamahay nang walang pa-ngamba.
Iba kasi ang forte ng isang Mayor na crime buster!
***
SA kabila ng kanyang popularidad, hindi pinalad na maglingkod sa mas mataas na posis-yon si Mayor Lim nang tumakbong Pangulo noong 1998.
Nguni’t makalipas lamang ang isang taon, 1999, nahirang si Mayor Lim bilang sekretaryo ng Department of Interior and Local Government (DILG). Bumaba ang kriminalidad sa buong bansa at naging maayos ang takbo ng ahensya.
***
HINDI pa rin naputol ang serbisyo ni Mayor Lim kahit wala na sa puwesto ay patuloy ang paghingi sa kanya ng tulong ng mga mamamayan. Kaya naman matapos ang tatlong taon pagkawala sa politika, muling ibinalik ng taumbayan sa gobyerno si Mayor Lim.
Subalit, sa pagkakataong ito, nahalal siyang maging Senador noong 2004 hanggang 2007. Pero nang manawagan ang mga Manilenyo na bumalik siya sa Maynila.
Hindi nabigo ang Manilenyo!
MANILEÑO’S
FREE SERVICES
A TRUE LEGACY
ANG kasabikan maibalik ang mga basic services sa Manilenyo ay nagawa ni Mayor Lim, from womb to tomb.
Libreng paanak, libreng pagpapa-ospital, libreng pagpapalibing, libreng edukasyon, libreng gamit sa eskwela, at iba pang free basic servi-ces na matagal na inaasam ng maraming taga-Maynila.
Na hindi nagawa ng nagdaan at kasalukuyang administrasyon!
***
MULA nang maupo bilang Mayor ng Maynila, walang inisip si Mayor Lim kundi kapakanan ng mahihirap na kababayan.
Hindi rin nagawa ni Mayor Lim na itaas ang buwis gaya ng amilyar kahit nahuhuli na ang Maynila sa pagtataas ng buwis sa buong local governments units sa Metro Manila.
***
SA loob ng mahabang pagseserbisyo sa gobyerno. Kagila-gilalas na hindi nasangkot sa anumang anomalya lalo na sa usapin ng pandarambong sa kaban ng bayan si Mayor Lim.
Walang kasong graft o plunder si Mayor Lim sa Ombudsman, simula’t sapol na magtrabaho sa gobyerno at pumasok sa politika.
Hindi nga ba’t ang kanyang pork barrel noong Senador ay hindi niya tinanggap?!
***
LIMAMPU’T PITONG TAON sa politika, 57 years in public service. Walang dungis, walang bahid.
Iilan na lang bang politiko ang katulad ni Mayor Lim? Si Mayor Lim na hindi kailanman nagpayaman sa politika at gobyerno. Hindi nagsamantala sa kaban ng bayan, hindi ginawang negosyo ang serbisyo publiko.
Parang GMA-7, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang! ‘Yan si Mayor Alfredo S. Lim!
WALANG IWANAN!
ANG higit na nakabibilib sa katangian ni Mayor Lim ay ang pagiging kaibigang totoo, hindi nang-iiwan saan man laban.
(Kompara sa ilan riyan na iniwan ang isang kabigan na nagngangalang Romasanta hanggang mapatay). Ang kanyang mga kaibigan ay nanatli sa kanyang kanlungan sa hirap o ginhawa.
At napatunayan ito ng inyong lingkod!
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos