Saturday , November 23 2024

Cardinals binaon ng Blazers

IPINATIKIM ng College of Saint Benilde Blazers ang pang-anim na sunod na kabiguan ng Mapua Cardinals matapos ilista ang 79-72 panalo ng una sa 90th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Bumira si Mark Romero ng 26 puntos, apat na assists at tig dalawang rebounds at steals upang igiya ang Blazers sa unang back-to-back wins ngayong season at ilista ang 2-3 win-loss record.

Tangan ng Blazers ang manibela sa buong laro subalit medyo kinabahan sila ng bahagya sa huling limang minuto at 13 segundo sa fourth period nang mahablot ng Cardinals ang abante mula sa fastbreak points ni Leo Gabo, 65-64.

Bumawi naman agad ng back-to-back baskets sina Jonathan Grey at Romero para sa 67-64 bentahe ng CSB.

“We can’t go one-on-one, dapat hanapin namin kung sino ang libre but I’m happy because at the end kami pa rin ang nanalo,” wika ni Saint Benilde coach Gabby Velasco.

Umarangkada ng 11-1 run ang Blazers para paabutin sa 16-point lead, 56-40 papalapit na sa fourth period.

Nakadikit pa ang Cardinals, 75-72 papasok ng final minute subalit sinelyohan ng tres ni Romero ang laro para sa 78-72 bentahe may 43 segundo na lang sa orasan.

Si Grey ang sumegundo sa opensa para sa Blazers matapos bumira ng 17 puntos, anim na boards at limang assists.

May 16 puntos at limang assists si Gabo para sa MIT habang may tig 14 puntos sina Carlos Isit at Jessie Saitanan.

Sa pangalawang laro, nasungkit ng Lyceum of the Philippines University Pirates ang 73-67 panalo kontra sa Emilio Aguinaldo College Generals.

Tumapos si Wilson Baltazar ng 20 puntos habang may 15 at 14 markers sina Dexter Zamora at Joseph Gabayni ayon sa pagkakasunod upang ipinta ang 4-2 card at masolo ang fourth spot sa team standings.

Sinalpak ni Zamora ang crucial floater may 27.1 ticks sa orasan para makuha ang lamang ng LPU 69-67.

Dahil sa pagkatalo nalasap ng Generals ang pang-apat na talo sa limang laro. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *