Friday , April 4 2025

Puganteng binatilyo kritikal sa boga ng tanod

KRITIKAL sa isang ospital ang puganteng binatilyo nang barilin ng barangay tanod habang pagala-gala sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Yiro Bonita, 16, ng Block 33, Lot 21, Phase 2, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .38 sa tiyan nang barilin ng suspek na si Pancho Villa, tanod ng nasabing barangay.

Pinaghahanap si Villa na tumakas pagkatapos isagawa ang pamamaril.

Ayon kay SPO1 Belany Dizon, ng Women and Children Protection Desk (WCPD) may hawak ng kaso, dakong 1:00 a.m. nang maganap ang insidente sa Block 39, Martiniko St., ng nasabing barangay nang sitahin ng suspek ang pagalagalang biktima.

Nalaman sa record na ang biktima ay tatlong taon nang wanted matapos tumakas sa Social Welfare Department (SWD) sa pamamagitan ng paglagare sa rehas ng bakal dahil sa kasong pagnanakaw.

Nasangkot din ang biktima sa insidente ng patayan sa Barangay Longos, Malabon City, nitong Pebrero lamang kaya may kinakaharap na arrest order na inisyu ni Judge Emmanuel Laurea, ng RTC/NCJDR Branch 169 noong Hulyo 11. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *