Tuesday , April 15 2025

Abortion pills nasabat sa NAIA

072214 Cytotec boc naia
NASABAT ng grupo ni NAIA Customs police chief, Capt. Reggie Tuason at Customs Anti-illegal drug task force head Sherwin Andrada ang 24,000 cytotec tablets (abortion pills) sa isang Indian national na kinilalang si Mohanty Srikant sa NAIA T-1 mula Bangkok, Thailand lulan ng Thai Airways flight TG621 kahapon. (EDWIN ALCALA)

TINATAYANG 24,000 Cytotec tablets ang nasabat ng Bureau of Customs sa isang Indian national na dumating mula sa Bangkok, Thailand lulan ng Thai Airways flight TG621 kahapon.

Ang Cytotec ay ginagamit bilang gamot sa duodenal ulcer at gastric ulcer, pero sumikat ang nasabing gamot nang gamitin ito bilang pampalaglag o abortion pills.

Ayon kay Customs police chief, Reggie Tuazon, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Bangkok na isang pasahero na nagngangalang Mohanty Srikant, ang may dalang 24,000 tableta na ipinagbabawal ng Food and Drugs Administration.

Nabatid kay Customs anti-illegal drugs head Sherwin Andrada na padating si Srikant sa NAIA terminal 1, kaya ipinosisyon na ang Customs operatives malapit sa naturang pasahero.

Nang kunin ni Srikant ang kanyang black trolley bag sa baggage carousel, saka naglapitan ang mga awtoridad sa Indian national.

Agad inimbitahan para sa interogasyon at inspeksiyon ng bagahe. (GLORIA GALUNO)

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *