Sunday , April 28 2024

13-K Pinoy sa Libya sapilitang pinalilikas

072114_FRONT

SAPILITAN nang ipinalilikas ng pamahalaan ang mga Filipino na nasa Libya dahil sa lumalalang kalagayang panseguridad sa naturang bansa.

Batay sa kalatas na ipinalabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), itinaas na sa alert level 4 ang babala o katumbas ng mandatory evacuation para sa mga kababayan nating nasa Libya.

Sa ilalim ng alert level 4, ang gobyerno ng Filipinas ang sasagot sa lahat ng gastusin para sa paglilikas ng 13,000 Filipino nationals doon.

Hindi na rin papayagan ang ano mang paglalakbay ng mga Filipino na nagbabalak magtungo sa nabanggit na bansa kahit para sa trabaho o iba pang dahilan.

Pinapayuhan ang mga OFW doon na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy na nakabase sa Tripoli para sa nararapat na aksyon ukol sa isasagawang mass evacuation.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *