LUMOBO ang tiyan at wala nang buhay ang isang 13-anyos na mangangalakal nang matagpuang lulutang-lutang sa Manila Harbour Center, Tondo, Maynila.
Ang bangkay ay kinilala ni SPO1 Richard Limuco, na si Christian Cernal, grade 4 pupil sa General Vicente Lim Elementary School, at residente sa Riverside 1, North Harbor,Tondo, Maynila.
Ayon kay lola Rosalea, 66, dakong 8:00 a.m., nang umalis sa kanilang bahay ang apo pero hindi na nakauwi hanggang matagpuan ang bangkay.
Nasa pangangalaga ng St. Rich Funeral ang bangkay para sa awtopsiya.(LEONARD BASILIO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com