Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Truck driver tinarakan ng tauhan ng RMW towing (Umawat sa away)

071614 knife truck tow

SUGATAN ang 35-anyos truck driver nang saksakin ng isang empleyado ng RWM Towing nang umawat sa pagtatalo ng una at isa pang truck driver sa Road 10, Vitas, Tondo, Maynila kamakalawa.

Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Dennis Flor, truck driver, residente ng #37 Panganiban St., Sta. Mesa, Maynila.

Habang tumakas ang hindi nakilalang suspek na tauhan ng RMW Towing Services.

Bago ang insidente, nai-tow ng RMW ang truck (UQB-941) na minamaneho ng biktima dakong 1 p.m. habang nakaparada sa Capulong St., Tondo.

Pinuntahan ng biktima ang truck sa impounding area at habang naghihintay nakita niyang nagtatalo ang isang driver ng GFI Trucking Service at ang suspek.

Tinangkang awatin ng biktima ang dalawa ngunit nagbunot ng patalim ang suspek at inundayan siya ng saksak.

(LEONARD BASILIO, May dagdag na ulat si John Bryan Ulanday)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …