Saturday , December 21 2024

Special use permit (SUP) a.k.a. lagay

Now to him who is able to do immeasurably more than all we ask or imagine, according to his power that is at work within us, to him be glory in the church and in Christ Jesus throughout all generations, for ever and ever! Amen. –Ephesians 3:20-21

ISANG e-mail sender ang sumulat sa atin patungkol sa kontrobersiyal na usapin ng Zoning Permit at ang pag-iisyu ng Special Use Permit (SUP) sa mga gasoline stations sa Maynila.

Narito ang kanyang liham-sumbong sa atin:

Isang mapagpalang araw sa’yo Chairman! Kalakip nito ay isang complaint ng mga gasolinahan sa buong Maynila sa pagproseso ng Zoning Permit (Special Use Permit/SUP). Lahat po ng mga gasolinahan ngayon ay mandatory kumuha ng SUP na aaprubahan daw sa konseho at ng hepe ng Zoning ng maynila na isa ring dating konsehal Dennis Lacuna.

Para aprubahan ka kailangan ka maglagak ng LAGAY (SUP) na 350K bawa’t istasyon, mapaluma man o bago. Sa simple at literal na pananalita ang SUP pala ay SUHOL/LAGAY para sa kanila.

Bawal daw ang gasolinahan mo sa bago nilang ordinansa kuno kung malapit ka sa eskwela, simbahan at hospital. Ang tanong lang, paano kung dati ka na o existing na istasyon (gasoline station) dapat ka pa ba iregulate? Di po ba dapat ang bawa’t Ordinansa ay may retroactive effect at dapat saklawan lamang ay ang mga bago na paparating? Paano na ang mga negosyante ng mga gasolinahan kung ganito lagi ang klase ng proseso?

Lantaran na ang kurakutan kung titingnan mo sa isang aspeto klaro na si (Dennis) Lacuna na hepe ng Zoning at dati din konsehal at ang Konseho ay in conspiracy sa paggigipit ng mga gasolinahan. Pati na rin po daw sa pagkuha ng exemption sa konseho ay kay Lacuna sa mga matataas na gusali, eh milyones na daw ang usapan?

Balita ko nga tumataginting daw na di bababa sa P10 million kada gusali ang lagayan dyan. Salan-sala nila ang mga biyaya ala na talaga pag-asa ang Maynila pati konsehal kotong din ang inaatupag…..marapat lang talaga na singilin na ‘yan ng mga taga Maynila sa pinaggagawa nila sa 2016!

Ilang beses na rn nalalathala sa column ni Mr. Venancio ang opisina ng zonung pero pipi’t bulag pa rin ang kasalukuyang Mayor ng Maynila….nag-iipon na nga ba talaga sila sa nalalapit na 2016 o ang pagbabalik ni Mayor Lim.

Asahan po ninyo Chairman at kaagapay po ninyo ko sa pagmatyag sa mga tiwali sa Maynila…..nawa’y malathala po itong sistema na ito para na rin mahiya sila sa pinaggagawa nila.

***

KALAKIP ng naturang e-mail ang sulat na ipinaabot ngIndependent Philippine Petroleum Companies Association (IPPCA) sa Manila City hall na may petsang June 18, 2014 na nakarating naman sa tanggapan ng Office of the Mayor nitong June 25, 2014.

Ang sulat ay may lagda ni Fernando Martinez, Ph.D na nagsisilbing Chairman ng IPPCA. Sa susunod, ilalathala natin ng buo ang sulat na ito ng IPPCA.

***

SUSME, marami palang dapat ipaliwanag ang batang Lacuna sa isyung ito. Well, bukas naman tayo para sa kanyang panig bilang officer in charge ng City Planning and Development Office ng Maynila.

Basta ba, paliwanag na walang lokohan at bolahan!

ASTANG FIRST LADY AT ANG PAYROLL LIST SA DPS

ABA, sino itong isang empleado ng Department of Public Services (DPS) na kasama sa Hong Kong trip ng mga LetCHE at kung umasta ay parang isang First Lady?

Kuwento sa atin, habang nasa HK ang mga letCHE ay bongga daw kung makapag-shopping sa kung saan-saan lugar sa HK.

Tinalo pa raw si First Lady Loi!

***

KUNG sino siya mga kabarangay, ay madali lamang makikilala dahil kahapon ay talak nang talak sa DPS office, dahil inalis na sa kanya ang karapatan na pumirma sa mga payroll.

At speaking of payroll, pansamantala daw inalis sa payroll list ang pangalan ni DPS acting chief Lilybelle Borromeo at iba pa dahil sa pagkuwestyon sa kanyang appointment ng Civil Service Commission (CSC).

Ibig sabihin, wala muna suweldo si hepe!

***

LUMALABAS daw kasi na inbalido pa ang appointment ni Lilybelle dahil sa kautusan ng CSC, kaya tama ang payo niCity Personnel chief Victor Quintos na alisin muna sa payroll list ang anak ni Che Borromeo ng task force on organized vending.

Papasuweldohin mo ba ang isang opisyal kahit binawi ng CSC ang kanyang appointment dahil sa kawalan ng rekisitos sa posisyon?

Dios mio! Para kang nagpasahod ng ‘ghost employee!’

***

KAYA huwag naman sanang gumanti si “hepe” sa kanyang mga tauhan, na kesyo hindi niya pipirmahan ang payroll nila, gayong inalis na rin sa kanyang karapatan na pumirma sa mga payroll ng DPS dahil nga null and void ang kanyang appointment.

Huwag nilang sabihin na ‘malakas’ silang mag-ama sa dating Pangulong Erap, kapag napuno rin ‘yan, tiyak kakalusin rin sila.

Sabi nga ni Erap: huwag n’yo akong subukan! Ehek!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *