Monday , May 12 2025

71-anyos ina nagbigti (May sama ng loob sa anak)

NAGA CITY – Labis-labis ang pagsisisi ng isang anak na naging dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang ina sa Brgy. Taytay, Goa, Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si Lourdes Peñaflorida, 71-anyos.

Ayon kay PO3 Reynan Obias, nabatid na nagpaalam ang biktima sa kanyang asawa na maghahanap ng gulayin.

Ngunit ilang oras na ang nakararaan, hindi pa rin siya bumabalik at nang hanapin ng kanyang pamangkin ay natagpuan na nakabitin ang matanda sa puno ng Malobago at wala nang buhay.

Una rito, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang kanyang anak na si Marites at manugang na si Vicente Montes.

Pinaniniwalaang sama ng loob sa naganap na alitan at problema sa pamilya ang nag-tulak sa biktima upang kitilin ang kanyang buhay.

Napag-alaman, dati nang nagbanta ang biktima na magpapakamatay dahil sa problema sa pamilya.

Kaugnay nito, agad inalis ng pulisya ang anggulong foul play sa pangyayari.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *