As for God, his way is perfect; the word of the Lord is
flawless. He is a shield for all who take refuge in him. —Psalm 18:30
NAGKUKUMAHOG daw ngayon sa kakukuwenta ang mga tauhan ni Ms. Vicky Valientes, Assistant City Treasurer ng Manila City hall, kaugnay sa isinulat natin kahapon sa ating kolum Chairman’s Files! sa Police Files Tonite na ‘pagkawala’ ng Real Property Tax (RPT) shares ng ating Barangay 659-A Zone 71, District V.
Gaya nga ng ating naisulat, baka nagkamali lamang ng kalkulasyon ang mga tauhan ng CTO nang sabihin umabot lamang sa P2,349.00 ang RPT shares ng ating barangay mula Enero hanggang Disyembre 2013.
***
MULI, para sa kaalaman, ang RPT shares ay bahagi ng ipinagkakaloob na buwis ng local government sa bawat barangay.
May 30% RPT shares ang ibinibigay sa bawat barangay. Ito ay base sa lokasyon at kondisyon ng bawa’t lugar. Sa ating Barangay 659-A Zone 71, mga naglalakihang gusali, offices, condominiums at iba pa ang nakatayo rito.
Tapos ang matatangap mo halagang P2,349.00!
***
ABA, Ms. Valientes, kahit saan tayo magkwentahan, napaka-imposible na ganitong halaga lamang ang matatangap na RPT shares ng aking barangay.
Ang ibang barangay sa Maynila ay mga sari-sari stores lamang ang negosyo, pero milyon ang kanilangRPT shares, samantala sa barangay ko, halos dalawang libo lang?!
Anyare, Ms. Valientes?!
NASAAN ANG PERA NG MAYNILA?!
AND speaking of City Treasurer’s Office (CTO), marami rin dapat ipaliwanag ang opisina, matapos magsalita ang mga dating opisyal ng Manila City hall na gaya nina dating CTO officer in charge Marisa de Guzman, dating City Budget Officer Heide Rosero at dating City Accountant Bing Manlulu.
Ang tatlong opisyal ang nagsabing MAY PERA ANG KABAN NG MAYNILA nang lisanin ni Mayor Alfredo Lim noong June 30, 2013.
Mahigit P1.5B ang perang iniwan!
***
PAWANG pirmado ito ng kani-kanilang successor na gaya nina Liberty Toledo ng City Treasurer’s Office (CTO) at City Accountant Rosario Planas nang i-turn over nila De Guzman, Rosero at Manlulu ang mga dokumento.
Pinatotohanan ng tatlong dating opisyal ni Mayor Lim na hindi naging bankarote ang Lungsod, taliwas sa ipinamumukha ng kasalukuyang administrasyon na simot ang kaban ng Maynila.
Ang tanong: Nasaan ngayon ang pera ng Maynila?!
NOISE BARRAGE SA RAC!
ALAM ba ng dating Pangulong Erap na may naganap na “noise barrage” d’yan sa loob ng Reception and Action Center (RAC) noong nakaraang Linggo?
Nag-alburoto daw ang mga minors na nakakulong sa RAC dahil sa pagmamalupit daw ng mga kawani ng RAC sa kanila.
***
PILIT daw itinatago ng mga kawani ang insidente upanghindi makarating sa media ang reklamo ng mga kabataan na tila parang preso umano ang trato sa kanila.
Naku, dapat bisitahin muli ng dating Pangulo ang RAC at alamin ang kanilang tunay na problema.
Teka, alam mo ba ang insidenteng ito Social Welfare chief
Honey Lacuna-Pangan?
DPS GOES TO HONG KONG!
ENGRANDENG bakasyon daw ngayon ang ilang mga opisyales ng Department of Public Services (DPS).
Nasa Hong Kong daw ang mga kumag, kasa-kasama ang kanilang mga “other woman” para magliwaliw.
Ooops, alam ba ito ng dating Pangulong Erap?!
***
HINDI pa natin alam kung official travel o sadyang bakasyon ang lakad nina………………………. (hindi muna natin babangitin ang kanilang mga pangalan pero kung regular avid readers kayo, tiyak tukoy ninyo ang mga binabangit nating opisyal)
Parang tila pa-mid year bonus daw ito sa mga DPS officials dahil sa magandang “performance” ng kanilang opisina.
Okey daw kasi ang collection, ehek!
***
NAKU, sarap-buhay pala ang ilang opisyales ng DPS, habang ang ibang tauhan na hindi malapit sa ‘kusina’ ay todo-kayod sa pagtatrabaho sa lansangan.
Sa totoo lang, ang daming trabaho na dapat asikasuhin ang mga taga-DPS, nagkalat pa rin ang basura sa lansangan, marami pa rin obstruction sa bangketa, pero silang mga opisyal pa-Hong Kong –Hong Kong na lang!
Aysus! LetCHE buhay to!
***
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos