Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Airport ground crew malubhang nasugatan (Kidlat tumama sa buntot ng eroplano)

MALUBHANG nasaktan ang isang ground personnel nang tamaan ng kidlat ang nakaparadang Cebu Pacific Airbus A320 plane sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3, ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) kahapon.

Nasa ground ng airport ang biktimang si Celdon Abalang, nang biglang tumama ang kidlat sa buntot ng eroplano na tumulay sa wire ng kanyang headset kaya labis siyang napinsala.

Si Abalang ay nagtatrabaho bilang ground crew ng Aviation Partnership Philippines Corporation na nakatalaga sa Cebu Pacific Air (CEB).

Nakatalaga ang biktima nitong Huwebes  ng gabi sa CEB flight 5J362 patungong Macau, naki-kipag-usap sa kanyang kasama at naghihintay ng clearance para sa push back ng eroplano sa Bay 109 nang maganap ang insidente sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Mabilis na isinugod sa Cebu Pacific clinic ma-lapit sa terminal 4 ng kanyang mga kasamahan para sa first aid treatment at pagkaraan ay dinala sa Makati Medical Center.

Ayon sa Cebu Paci-fic, nakikipag-ugnayan na sila sa employer ni Abalang para sa kaukulang tulong.

Ayon naman kay NAIA terminal 3 manager Octavio Lina, lagi nilang pinaalalahanan ang lahat ng ramp personnel tuwing may thunderstorm.

Sa ganitong sitwasyon lahat ng airport ground crews ay pinagsasabihan na umalis sa operation area sa tuwing masama ang panahon o may kidlat.

(GLORIA GALUNO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …