Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Frat house’ hinalughog ng PNP, NBI

HINALUGHOG na ng mga pulis at ng mga ahente ng National Bureau of Investigation kahapon ang isang bahay sa Makati City na pinaniniwalaang doon naganap ang deadly hazing sa estudyante ng De La Salle University-College of St. Benilde na si Guillo Cesar Servando.

Pinasok ng mga tauhan ng Makati City police at Scene of the Crime Operations teams ang nasabing bahay sa Calatagan St., Brgy. Palanan para maghanap ng karagdagang mga ebidensya.

Kasama ng mga awtoridad si “Jomar,” ang sinasabing caretaker ng bahay, aminadong miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity.

Kinordon na ng mga pulis ang bahay makaraan ituro ni Jomar na sumuko sa Manila police nitong Martes.

Si Servando ay binawian ng buhay bunsod ng matinding pinsala sa katawan dahil sa hazing, habang tatlo pa ang sugatan sa insidente. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …