Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pre-med nalitson sa boarding house

NALITSON nang buhay ang isang BS Biology student sa insidente ng sunog sa isang boarding house sa barangay Banilad, Cebu City.

Matinding sunog sa katawan na halos hindi na nakilala ang biktimang si Edrian Tecson, 17, 1st year BS Biology, ng Dipolog City, nang makuha ang kanyang katawan pagkatapos maapula ang apoy.

Ayon sa may-ari ng boarding house na si Sabilota Rosales, wala siya nang magkaroon ng sunog kaya hindi niya alam kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Napag-alaman na lahat ng mga boarders ay nakalabas maliban lamang sa biktima na natutulog sa kanyang kuwarto.

Ayon sa ilang boardmates, inakala nila na wala sa loob ng kanyang kuwarto ang biktima dahil malakas na ang kanilang sigaw pero hindi pa rin lumalabas.

Nadamay ding nasunog ang may 30 residential houses na nagresulta sa kawalan ng tirahan ng higit sa 30 pamilya.

Inaalam pa ng Cebu City Fire Department ang sanhi ng sunog.

(Beth Julian)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …