Tuesday , November 5 2024

Panalo si Marisa!

The Lord will fulfill his purpose for me; your love, O Lord, endures forever — do not abandon the works of your hands.—Psalm 138:8

ANG Marisa na ating binabangit mga kabarangay, ang dating officer-in-charge ng City Treasurer’s Office (CTO) ng Manila City Government.

Nanalo si Madame Marisa de Guzman sa Court of Appeals (CA) 11th Division (CA-GR.SP NO. 125885) makaraang baligtarin ang naunang desisyon ni Manila RTC Judge Daniel C. Villanueva ng Branch 49 sa kanyang kakuwestyon-kuwestyong mandamus at writ of preliminary mandatory injunction, pumapabor sa umano’y mga kinatawan ng mga “inaaping empleado” ng City Council atOffice of the Vice Mayor Office (OVM).

Pero, lumalabas na mali ang desisyon ni Judge Villanueva!

***

KINATIGAN ng CA ang dating City Treasurer ng Maynila sa posisyon na hindi magpalabas ng kuwarta sa “ghots employees” este sa mga casuals, job orders at consultants ng City Council at OVM.

Binalewala ng CA ang dalawang ipinalabas na desisyon ng huwes, noong June 20 at July 25, 2012 na umaayon sa reklamo ng may 1,000 ghost employees este mga tauhan ng konseho at OVM na bayaran sila mula nang mawala sa city hall.

CA DECISION

SA 13-pahinang desisyon ng CA, sinuring mabuti ng Appealeate Court ang mga “pagkakamali”: ni Judge Villanueva.

Ayon sa CA: “respondent judge…..committed grave abuse of discretion by preliminary disposing of the main case of mandamus without the benefit of a blown trial.”

***

SA usapin ng pag-issue ng mandamus sinabi ng CA na, “..,tbe respondent judge in effect resolved the case for mandamus without trial.”

Gayondin, nagkamali ang huwes sa pagtalakay sa Executive No. 15 na inisyu ni Mayor Alfredo Lim na nag-aatang sa lahat ng tanggapan ng Lungsod, kabilang ang City Council at OVM na magbawas ng tauhan.

***

SABI ng CA, “..respondent judge erroneously tackled the validity of E.O No.15. The Supreme Court has ruled that the constitutionality or validity of laws, orders, or such other rules with the force of law cannot be attacked collaterally.”

Dagdag pa ng CA na “private respondents have not established clear rights for the issuance of the writ.

***

HINDI rin napatunayan ng private respondents aka ghost employees na nilabag ang kanilang karapatan nang alisin sila sa trabaho.

“Private respondents have not shown that issuance and implementation of E.O. No. 15 violated their rights.”saad sa desisyon ng CA.

Susme, pasasahurin mo pati multo, ano ka hilo!

MALI KA JUDGE!

SINITA rin ng CA ang desisyon ni Judge Villanueva na huwag maglagak ng bond ang mga nagrereklamong “ghost employees” este tauhan ng City Council at OVM.

Ayon sa CA, “ ..respondent judge did not order the private respondents to post a bond, which is requirement in Rule 58, Section 4, par. (b) of the Rules of Court.”

Hind ba, Judge, ignorance of the law excuses no one?!

AUDIT OBSERVATION MEMO NO. 2021-100-12

NAG-UGAT ang usapin sa Audit Observation Memorandum No. 2012-100-12 ni City Auditor Ms. Elinore Lavilla na may petsang February 29, 2012, na nagsasaad na, “…the City of Manila appropriated and incurred expenses for Personal Services whoch exceeded its allowable limitations of 45% of the total annual income…”

Dahil dito, nag-isyu ng Executive Order No. 15 si Mayor Lim na nag-aatas sa lahat ng departamento, offices, legislative at executives branches na magbawas ng empleado

E.O NO. 15

SA E.O. No. 15 ni Mayor Lim, nakasaad na: “(a) laying-off thirty percent (30%) of the incumbent employees of both Branches of the City Government classified as temporary, casual, job order, consultants, and project employees, except those assigned in hosputals and health centers”

Bilang halimbawa, tumalima si Mayor Lim sa utos at mismong tanggapan (Office of the Mayor) ay kanyang binawasan ng 50 porsiyento!

Ganyan kumilala ng batas si Mayor Lim!

***

SINULATAN ni dating City Administratoir Jay Marzan siAtty. Luch Memphis, Secretary, City Council na may petsang April 1, 2012 na sumunod sa utos ng COA.

Kapal ng mukhang tumanggi sina Atty. Memphis na sundin ang E.O No. 15. Katwiran nila na labag ito sa 2012 annual budget (Ordinance No. 8263) ng Lungsod.

Umangal ang mga damuho at nagsampa ng petisyon sa korte!

***

NOONG May 24, 2012, may 408 consultants/researcher at 789 casual employees umano ng OVM at City Council ang dumulog sa korte. Inasunto nila si Madame Marisa at dating City Budget Officer Heide Rosero.

Noong June 20, 2012, nag-isyu ng writ oif preliminary mandatory injunction si Judge Villanueva pabor sa mga umano’y hindi pinasahod na tauhan. Iniutos ng huwes na bayaran ang mga ito mula nang inilabas ang E.O No. 15 noong Abril 1, 2012..

***

DAHIL sa nanonood si Madame Marisa ng television show na “Kapag may katwiran, Ipaglaban mo! Aba, umapela siya sa Court of Appeals!

At heto nga ang naging desisyon ng CA—— mali si Judge, mali rin ang mga ghost employees cum private petitioners.

Panalo si Madame Marisa!

“ASSIGNMENT OF ERRORS”

SAMPUNG “assignment of errors” ang nakita ng CA, kabilang ang desisyon nito na “No Bond” na siyang requirement sa ilalim ng Rule 58, Section 4, par. (b) of the Rules of Court.

Naku, judge hindi ba’t malinaw na grave abuse of discretion itong ginawa mo?! Sa susunod tatalakayin na natin ang mga “kabobohan” este ang kamalian ng kanilang hakbang.

Abangan!

***

Para sa anumang komento, mag-email [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *