NAGLUNSAD na ng seremonya ang mga Muslim sa Philippine Ramadhan Tent bilang paggunita sa Ramadhan sa Charito Planas Garden, Quezon Memorial Circle, Quezon City. (Ramon Estabaya)
IPINAABOT ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kanyang pagbati sa Muslim Filipino community sa pagsisimula ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.
Sinabi ni Pangulong Aquino, ang Ramadhan ay sagradong panahon para sa pagninilay at pagsamba.
Ayon sa Pangulong Aquino, isa itong oportunidad para pag-ibayuhin ang disiplina, kontrol sa sarili at pagkalinga sa kapwa, mga katangiang nakapaloob sa pananampalatayang Islam.
Umaasa ang Pangulong Aquino, sa pamamagitan ng Ramadhan, lalo pang lalakas ang pananampalataya ng mga Muslim at magsisilbing inspirasyon para mapalalim ang commitment sa pagkamit ng hangaring pangmatagalang asenso.
“My warmest greetings to the Muslim Filipino community as you celebrate the Start of the Fasting Month of Ramadhan and 29th Day of Sha’aban,” ayon sa Pangulo.
“Ramadhan is a sacred period of reflection and worship. It is an opportunity for you to reinforce your discipline, self-control, and compassion, values which are integral to the tenets of Islam and universally vital to the development of each individual. Our solidarity enables us to learn from each other and create a more unified and harmonious nation where citizens of various beliefs and creeds can work together to uphold peace and harmony,” aniya.