PINAGTATAGA at itinumba ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga puno ng saging sa banana plantation ng DOLE sa barangay Anahaw Daan, Surigao del Sur.
Napag-alaman na sinalakay ng may 50 rebelde ang tatlong farm ng DOLE na nasa Sitio Cabalawan at Sitio Ibo dahil umano sa kabiguang magbayad ng nasabing plantation ng revolutionary tax sa NPA.
Sa ulat ng Tago Municipal Police Station, dalawang oras ang itinagal sa pagputol sa mga puno ng saging sa San Vista Farm at Lozada Farm na nasa Sitio Cabalawan at Mamalata Farm, ng Sitio Ibo, ng mga rebelde na pawang nasa ilalim ng mga lider na alyas Adel at alyas Akira.
Ang mga lumusob na rebelde ay pawang armado ng AK-47 rifles at anim na 60 caliber machine gun.
ni Beth Julian