Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utol ng VM, 2 pa tiklo sa pot session

CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ng pulisya ang tatlo makaraan maaktohan habang nagpa-pot session sa loob ng isang bahay sa Purok 2, Brgy. Puerto sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Kabilang sa mga arestado si Porferio Moreno Roa Jr., kapatid ni Balingasag Vice Mayor Marietta Roa Abogado, ng Misamis Oriental.

Inihayag ni Misamis Oriental Governor Yevgeny Vincente “Bambi” Emano, ang nasabing suspek ay empleyado rin sa local governtment unit (LGU) ng Balingasag nitong lalawigan.

Bukod kay Roa, naaresto rin ng pulisya ang kasama niyang sina Arnold Maquinto, security guard, ng Tagoloan nitong lalawigan; at Ruben Estopa, residente ng Brgy. Puerto sa syudad.

Sa panayam kay Chief Insp. Lemuel Gonda, hepe ng Operations and Plans Branch ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), mismong ang team ni Senior Insp. Jophet Paglinawan ang lumusob sa bahay na kinaroroonan ng mga suspek.

Nakuha rin sa pag-iingat ng mga suspek ang baril dahilan upang sampahan din ng kasong illegal possession of firearms. (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …