Saturday , November 23 2024

Kelot tumalon sa bus, dedbol; ex-OFW dumayb sa tulay, patay

PATAY ang isang tatay makaraan tumalon mula sa tumatakbong bus sa bayan ng Del Gallego, Naga City kamakalawa habang binawian din ng buhay ang isang babaeng dating overseas Filipino worker (OFWs) nang tumalon mula sa isang tulay sa Cauayan, Isabela.

Kinilala ang biktimang tumalon sa bus na si si Eulogio Ramos, 52-anyos.

Sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, binabaybay ng Apple City bus ang kahabaan ng Brgy. Pasay sa naturang bayan patungong Maynila nang biglang tumalon si Ramos.

Nakaupo ang biktima sa ikatlong hanay ng mga   upuan ng bus ngunit biglang tumayo at tumalon mula sa sasakyan.

Agad huminto ang driver ng bus na si Nelson Gonowon at sinaklolohan ang biktima.

Isinugod si Ramos Ragay District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Blanko pa ang pulisya kung ano ang nagtulak sa biktima upang magpatiwakal.

Samantala, nagkalasog-lasog ang katawan ng isang dating OFW makaraan tumalon sa tulay ng Palattao sa Naguilian, Isabela.

Ang biktimang si Jenelyn Natividad ng Sunlife, Naguilian, isang dating OFW ay tumalon mula sa Naguilian Bridge, isa sa mga pinakamahabang tulay sa Isabela at tinatayang 20 meters ang lalim mula sa taas ng tulay hanggang sa tubig.

Inihayag ng saksing si Eduardo Curameng ng Brgy. Palattao, naliligo siya kasama ng kanyang mga anak sa pampang ng ilog nang mapansin nila ang biktima na biglang tumalon at bumagsak sa pangatlong pundasyon ng tulay.

Habang inihayag ni Precy Natividad, bilas ni Jenelyn Natividad, bago ang insidente ay nagtungo sa kanilang bahay ang biktima at sinabing “Sabihin mo sa asawa ko na ako ang aako sa lahat ng nagawa niyang kasalanan.”

Sinasabing ang biktima ay nasiraan ng bait dahil sa pagmamalupit ng kanyang amo sa Middle East.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *