Saturday , November 23 2024

2 NBP doctors, head guard sinibak (Sa VIP treatment sa high profile prisoners)

SINIBAK ang dalawang doctor at head guard ng New Bilibid Prisons at nakatakdang sampahan ng kasong administratibo bunsod ng pagrekomenda sa high-profile prisoners na madala sa ospital sa labas ng piitan bagama’t hindi emergency ang kanilang kondisyon.

Sa Department Order 405, kinilala ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga sinibak na sina Dr. Gloria Achazo-Garcia, acting NBP hospital head; Dr. Ma. Cecilia Villanueva, NBP hospital Specialist I; at Prison Supt. Gabriel Magan, hepe ng NBP Escort Unit.

Ang pagsibak ay base sa rekomendasyon ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III, na nag-imbestiga sa pagdadala sa ospital sa convicted drug dealer na si Ricardo Camata.

“I’m approving the recommendation of USec. Baraan. I’m issuing the corresponding DO today relieving the two doctors and the head guard,” pahayag ni De Lima, idinagdag na may hiwalay na DO pang ipalalabas na mag-aatas na kasuhan ang tatlo ng “neglect of duty” at “abuse of authority and conduct prejudicial to the interest of the service.”

(JAJA GARCIA/LEONARD BASILIO/BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *