Sunday , December 22 2024

P168M RPT shares ng barangay, kinakamkam!

The father of a righteous man has great joy; he who has a wise son delights in him Proverbs 23: 24

KINAKAILANGANG magkaisa ang mga kabarangay natin upang tutulan ang mga paglapastangan sa ating mga Real Property Tax (RPT) shares sa pamamagitan ng mga pinagtitibay na “ilegal” na resolusyon sa Manila City Council.

Mga RPT shares na dapat sana’y mapakinabangan ng maraming kabarangay, pero dahil sa kanilang abusadong aksyon, malaya nilang naipagkakaloob sa mga “kaalyado” nilang barangay ang multi-million piso mula sa buwis ng mga malalaking negosyo.

Mga buwakanabits na mga Konsehal!

***

ANG huli (o tiyak na may susunod pa dito) resolusyon na ipinasa ng City Council ay ang Resolution No. 110 na nagkakaloob kay Chairwoman Analyn Mallari ng Brgy 248 Zone 22 na makuha ng solo ang mahigit P44M RPT shares na dapat sana may bahagi ang iba pang barangay.

Sinagasaan sa nasabing resolusyon ng konseho ang pitong barangay na dapat sana’y na mabahaginan ng RPT shares para magamit nila sa mga proyekto ng kani-kanilang barangay.

Pero kinakamkam ng iilan!

BAKIT LUCKY SI MALLARI?

KUNG bakit naman nakapakasuwerte nitong si Chairwoman Mallari ay dahil ang nagsisilbi umanong barangay adviser sa District II ay isang ang kaanak umano ni Manila 2nd District Councilor Marlon Lacson.

Si Councilor Lacson ang majority floor leader ng Konseho ang siyang main sponsor ng Council Resolution No. 110.

Wow, ikaw na Chairwoman ang malakas!

***

PITONG barangay ang apektado sa ginawang hakbang na ito ng City Council. Kabilang ang mga barangay nina Chairwoman Sally Li Dy (Brgy 247), Chairman Benito Tan (Brgy 245)pawang sa Zone 22 ng District II. Sa District 1 ay sina Chairman Manuel Subido (Brgy 49), Chairman Jose Cornelio dela Rea (brgy 48) at Chairman Josefino Garcia (Brgy 51) pawang sa Zone 4.

Ang mga barangay sa nasabing sona na nakakasakop sa mga commercial areas na gaya ng Tutuban Mall na siyang pinagkukunan ng mga RPT shares.

Pero ninakaw sa kanilang ang RPT shares!

ILEGAL NA RESOLUSYON

WALANG pinagkaiba ito sa Resolution No. 154 na solong nasungkit ng kaalyado nilang Barangay Chairman Sigfried Hernane (Brgy 128 Zone 10).

Umaabot sa P54M umano ang RPT shares na dapat sana’y naipamahagi rin sa mahigit 15 pang barangays.

***

GAYUNDIN ang Resolution No. 23 na ibinigay ng City Council sa kakampi nilang Barangay Chairwoman Ericka Platon (Brgy 720 Zone 78) na sinasabing may RPT shares na umaabot umano sa mahigit P70M.

Susme, kalaking kuwarta! pero ang dalawang niyang kapitbahay na barangay ang Brgy 719 ni Chairman Jaime Adriano at Brgy 721 ni Chairman Edgar Zabarte ay nganga sa ginawang ito ng Konseho.

***

KUNG susumahin, aabot sa P168M ang ha-laga ng RPT shares na pinaghati-hatian ng tatlong barangay lamang.

Teka, imposibleng walang “parte” riyan si “Eddie?” Sinong “Eddie?”——Eh, Di, Silang matatakaw sa kuwarta!

Buwiseet!

RPT SHARES AT ANG BARANGAY

PARA sa kaliwanagan ukol sa RPT shares, ito ay parte ng buwis ng mga establisimento o negosyo o halaga ng ari-arian na nakatayo sa iyong nasasakupang lugar.

The Real Property Tax is a local tax on a value of real estate o amilyar. At legal na may parte ang barangay dito base sa Local Government Code of 1991.

***

NAKASAAD sa batas ang 30% porsiyento parte ng mga barangay sa RPT shares dito sa Metro Manila, samantalang 25% porsiyento naman sa mga probinsya sa barangay.

Iba ito sa Internal Revenue Allotment (IRA) na nakukuha naman mula national revenue collection.

***

NGAYON lamang sa kasaysayan sa pag-release ng RPT shares na solong ipagkatiwala ito sa isang barangay.

Hindi ito naging kalakaran ng mga nakalipas na administrasyon sa Maynila.

Matitino kasi ang mga opisyal noon!

***

MARAMI tuloy ang naniniwala na hindi solong makukuha ng mga nabanggit na barangay ang kanilang multi-milyong RPT shares.

Ginawa lamang silang “front” o “dummy” ng mga tusong opisyal ng Lunsgsod upang mailabas ang multi-million RPT shares sa City Treasurer’s Office.

Hindi ba “Eddie?!”

“BABALINA IN THE HOUSE”

NAKU, sino ba itong alyas Babalina na nari-yan sa Department of Public Services o DPS na kung mag-aasta ay parang may relasyon siya sa pamilya ni LetCHE Borromeo?

Si Babalina na sa sobrang kaka-sipsip sa mga Borromeo ay na-promote bilang Officer V at ngayon ay administrative officer ng DPS. Marami daw itong pinapahirapan tauhan sa DPS, how true?!

***

SANGGANG dikit daw ito kay Fernando Lugo ang hepe ng DPS-District III, kaya kahit ginagawang bahay ng isang Mang Danny ang DPS main office ay okey lang sa kanya.

Haay Babalina, ‘wag kang masayadong sipsip at malupit, ang buhay ay parang gulong, ngayon nasa ibabaw ka, pero baka bukas nasa ilalim ka na.

Dahil nasagasaan ka ng trak ng DPS! Pwee!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *