TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na kapag nakulong sa PNP Custodial Center, Camp Crame ang mga senador na sangkot sa PDAF scam ay mahigpit nilang ipagbabawal ang paggamit ng gadgets.
Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP, mahigpit nilang ipagbabawal sa bilangguan ang lahat ng uri ng gadgets gaya ng laptop, cellular phones, iPads at iba pa.
Ito ang tiniyak ni Sindac makaraan i-raffle ng Sandiganbayan ang kaso kontra kina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
Gayon man, hindi aniya apektado ang trabaho ng mga senador dahil malaya pa rin sila sa kanilang legislative works gaya nang paggawa ng panukalang batas, paglagda ng mga dokumento at pakikipagkita sa kanilang staff.
Sa ngayon, hinihintay ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group ang ilalabas na warrant of arrest galing sa anti-graft court laban sa tatlong akusadong senador para sa pag-aresto sa kanila.