Sunday , December 22 2024

Pancit ng Taga-Malabon, parusahan sa paglabag sa R.A. 9994!

Be still, and know that I am God; I will be exalted among the nations, I will be exalted in the earth. —Psalm 46:10

ARAW ng ating Kalayaan ngayon. Maging ganap na malaya sana tayo sa mga politikong magnanakaw, mga negosyanteng tuso at sa mga mapanlinlang na tao o kompanya.

Tanong tuloy sa atin, kailan naman kaya makakalaya ang mga Manilenyo mula sa mga nagpapahirap sa Lungsod.

Aba, abangan na lang po natin!

***

SA pagpapatuloy naman sa kaalaman sa mga karapatan sa diskwento ng mga senior citi-zen sa ating lipunan. Dapat lang maparusahan ang mga establisimentong hindi nagbibigay ng 20% diskwento gaya ng inirereklamong Pancit ng taga-Malabon na nasa Ma. Orosa Street., Ermita Branch.

Malinaw kasi ang isinasaad ng Republic Act 9994 o angExpanded Senior Citizen Act of 2010 sa mga lumalabag sa batas. Malinaw rin na hindi ipinagkaloob ng management ng Pancit ng Taga-Malabon ang diskwento sa mga biniling produkto ng isang senior na nagrereklamo noong June 5.

***

NARITO ang nakasaad sa Article 23.

Violations in Discounted Food Purchases – The following acts concerning food purchases are considered violative of the provisions of the Act and its Rules:

a) Pegging a maximum amount of food purchase subject to 20% discount and the VAT exemption, and/ or posting of notice to that effect;

b) Refusal to grant the 20% discount and VAT exemption on take -out/ take home/ drive-thru orders it appearing that the purchase is for the exclusive use and enjoyment of senior citizens;

c) Refusal to grant a 20% discount and VAT exemption on delivery orders it appearing that the purchases is for the exclusive use and enjoyment of senior citizens.

***

PASOK ang Pancit ng taga-Malabon dito dahil tumanggi silang bigyan ng 20% discount ang senior nang mag-take out order sa kanilang establisimento.

Imbes 20% discount, 1.8% lamang o P18.00 diskwento ang nakuha ng senior sa P960.00 halagang biniling pagkain.

MULTA P50, 000

AT 6 TAON KULONG!

AT narito ang kahaharapin kaparusahan ng establisimento o may-ari nito.

Article 24. PENALTIES – Any person who refuses to honor the senior citizen card or violates any provision of the Act and its Rules shall suffer the following penalties:

Section 1. For the first violation, a fine of not less than Fifty thousand pesos (Php 50,000.00) but not exceeding One hundred thousand pesos (Php 100,000.00) and imprisonment for not less than two (2) years but not more than six (6) years; and;

Section 2. For any subsequent violation, a fine of not less than One hundred thousand pesos (Php 100,000.00) but not exceeding Two hundred thousand pesos (Php 200,000.00) and imprisonment for not less than two (2) years but not more than six (6) years.

***

GAYUNDIN, nakasaad na malaki ang pananagutan ng mga opisyal ng korporas-yon:

Section 5. If the offender is a corporation, partnership, organization or any similar entity the officials thereof directly involved such as the president, general manager, managing partner, or such other officer charged with the management of the business affairs shall be liable therefor.

KANSELASYON

NG BUSINESS PERMIT

MAAARI rin kanselahin ang operasyon o bawiin ang business permit ng lumalalabag na establisimento.

Section 6. Upon filing of an appropriate complaint, and after due notice and hearing, the proper authorities may also cause the cancellation or revocation of the business permit, permit to operate, franchise and other similar privileges granted to any person, establishment or business entity that fails to abide by the provisions of the Act and these Rules.

***

KAYA sa mga kabarangay natin senior citizens, ipaglaban ang karapatan, igiit natin ang batas ukol sa diskwento. Suportahan natin ang mga hakbangin ni Atty. Romulo Makalintal sa pagsusulong ng ating mga karapatan sa ilalim ng batas.

Kaunting prebilihiyo na nga lamang ito sa atin, ipinagkakait pa ng mga tusong negosyante.

Susme, ‘wag ganon?!!!

“PUGAD-BABOY”

ANG OPISINA NG DPS

ANG tanggapan ng gobyerno ay salamin ng magagalang at edukadong tao sa ating lipunan.

Dapat ito ay malinis at may kaukulang manners and conduct na pinaiiral, kasama na riyan ang tamang pananamit o patakarangdress code sa bawa’t empleado ng gobyerno.

***

KAYA naman may nagsumbong sa atin na sobra raw ang pambababoy at paglapastangan ng isang Mang Danny sa opisina ng Departmemt of Public Services (DPS) na nariyan sa Arroceros.

At home na at home daw si Mang Danny dahil hindi nahihiya na kahit nagta-time in ang mga regular employees sa umaga siya ay pagi-sing pa lang sa opisina.

Ginawang bahay ang opisina ng gob-yerno!

***

NAKA-SHORTS at tsinelas lamang kung pumasok sa DPS Office, walang paki kahit naiimbyerna sa kanya ang mga empleado dahil sa pambababoy sa opisina.

Kinokonsinti lang daw ito ni DPS District III chief Fernando Lugo dahil malapit ito sa mga LetCHE Borromeo.

City Administrator Simeon Garcia, alam mo ba ito?!

PABATI: Hindi na natin namamalayan, dahil na rin sa kabisihan at iba pang gawain natin, dumaan na pala ang kaarawan ng ating bossing na si Jerry Yap nitong June 8. Huli man, belated Happy Birthday bossing, wish you all the best in this crucial world of mankind.

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay luma-labas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *