Saturday , April 27 2024

Andrea Rosal ibinalik sa kulungan

IBINALIK na sa kulungan sa Taguig City si Andrea Rosal, anak ng yumaong tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines na si Gregorio “Ka Roger” Rosal, makaraan ang dalawang linggong pananatili sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa panganganak.

Dakong 7:20 p.m. kamakalawa nang ibalik si Rosal sa kanyang kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Si Rosal ay ineskortan ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Matatandaan, pinayagan ng Taguig City Regional Trial  Court na manganak si Rosal sa PGH noong Mayo 17 ngunit  sa kasamaang palad ay namatay ang sanggol.

Si Rosal ay inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng militar sa Caloocan City noong Marso sa bisa ng arrest warrant kaugnay ng kasong murder na inihain sa Mauban, Quezon, Regional Trial Court Branch 64.

Bukod kay Rosal, nadakip din ang kanyang bodyguard na si Rafael “Jomel” de Guzman at si Barangay Chairman Ruben Gatchalian.

Si De Guzman ay may kasong kidnapping with murder sa Mauban, Quezon habang nahaharap sa kasong obstruction of justice si Gatchalian dahil sa sinasabing sa pagtatago kina Andrea at De Guzman.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *