Saturday , November 23 2024

Anti-drug/drunk law magagamit sa kotong

BABALA sa mga lasenggong driver at mga may sasakyang mahilig gumimik at nagmamaneho nang lasing o naka-droga.

Epektibo na po ang Anti-Drunk/Drug Law (Republic Act 10586 – Act Penalizing Persons Driving Under the Influence of Alcohol, Dangerous Drugs and Other Similar Substances). Pinirmahan ito ni Pangulong Noynoy Aquino last May 27.

Malupit ang batas na ito. Ang multa ay hanggang P500,000 o kalahating milyong piso plus kulong!

Ang pinakamababang multa ay P20,000 – P80,000 plus 3 buwan na pagkakakulong kung ang paglabag o violation ay walang involved na physical injuries.

Mas malaki ang multa ‘pag nagresulta ng physical enjuries: P100,000 – P200,000 plus mahabang pagkakakulong.

Kapag nagresulta naman ng homicide o may namatay, ang multa ay mula P300,000 – P500,000 plus mas mahabang pagkakabilanggo.

Kaya mga mamang driver at kumpadreng lasenggero, ‘pag nakainom o pumunta sa gimikan o party at naki-tagay, makabubuti na huwag nang magmaneho. Magdala na lang kayo ng driver na hindi lumalaklak ng alak.

Pero kabado ako sa batas na ito. Kasi maaaring samantalahin ito ng mga kotong na pulis. Maaaring abangan nila ang mga kostumer ng clubs paglabas at i-harass. Dahil tiyak na paglabas ng bahay-laklakan ng isang tao ay siguradong under influence ng liquor.

Yari!

Bagama’t maraming proseso para akusahan o arestuhin ang isang nakainom ng alak o naka-droga, hindi na ito inaaplay ng ‘kotong cops.’ Basta na lang nila haharangin ang sa tingin nila ay galing sa loob ng bahay-aliwan at pag-amoy alak, tiyak tatakutin nila para dumukot sa bulsa. Sigurong mangyayari ito.

Kaya paalala uli sa mga gimikero o laklakero, ‘pag nakainom makabubuti na huwag nang magmaneho. Mag-taxi na lang. Iwanan n’yo na lang ang kotse sa parking ng establishment at ipakuha na lang sa kamag-anak o balikan nalang kapag nahimasmasan na.

That’s it! Alak pa!!!

Hahaha…

Drug lords sa Bilibid, VIP

pati sa pagpapaospital kuno!

SOBRANG suwerte na ng mga demonyong convicted drug lord sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Aba’y ito palang itinuturing na “Big 3” sa Bilibid na sina convicted drud lords Ricardo Camata alyas “Chacha,” kumander ng Sigue Sigue Sputnik Gang; Amin Buratong, ang may-ari ng binuldozer na “palengke” ng shabu sa Pasig City; at Herbert Colangco alyas “Ampang” ay malayang nakalalabas ng NBP para magpagamot kuno sa mga mamahaling hospital sa Metro Manila!

Si Camata, last weekend ay nagpa-checkup sa Metropolitan Hospital sa Tondo, Maynila dahil daw sa lung ailment.

Ayon sa source, habang nasa mamahaling kuwarto ng hospital si Camata ay labas-pasok daw dito ang mga ‘dalaw’ na starlets at sexy dancers. Gano’n?

Si Buratong naman, noong Mayo 14 ng taon, ay lumabas ng Bilibid para magpagamot sa Medical City sa Pasig City. Tumagal daw nang isang linggo, sa Room 14. Andami raw dumalaw, mga bigtime na tulak!

Samantala si Colangco ay lumabas ng NBP noong Mayo 27 ng taon para magpagamot sa Asian Hospital dahil sa UTI!

Itong Asian Hospital ay isa sa pinakamahal maningil na hospital sa buong bansa.

Isipin mo, nagka-UTI lang, sa labas pa magpapagamot? Simpleng sakit sa uten lang ito e. Samantala may maayos namang pagamutan sa loob ng NBP.

Ito ang sinasabi natin na dapat ang mga may kasong droga ay hindi life imprisonment ang parusa kundi BITAY! FIRING SQUAD! CHOP CHOP!

Oo, masakit na kamatayan ang dapat na hatol sa mga sangkot sa droga dahil naparaming buhay ang kanilang sinira. Napakaraming pamilya ang kanilang winasak!

Anyway, Justice Secretary Leila De Lima, dapat sigurong magpalit ka uli ng Director ng Bureau of Correction. Palitan mo na ‘yang si Bucayo e KALAMAY lang pala ‘yan e!

Alam n’yo ba kung saan si Kalamay este Bucayo ngayon, nandun sa Australia… hayahay ang buhay!

Si Mayor Lim na lang kaya ang ilagay d’yan sa NBP… tingnan natin kung makalalabas pa ng Bilibid ang mga convicted drug lords at criminals d’yan. Makalabas man ang mga ‘yan, tiyak pantay na ang mga paa nila. Tama ba ako, Boss Caloy?

Hehehe…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *