Saturday , November 23 2024

‘Vendor’ nilikida sa 5/6

BINARIL at napatay ang isang padre de pamilya ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad kasama ang misis at anak, sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Hinihinalang may kaugnayan sa pautang na 5-6 ang motibo para patayin ang biktimang si Jesus Beronio, nasa hustong gulang, vendor, ng Barangay Guadalupe Nuevo.

Iinaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis nakatakas. Nagsasagawa ng follow-up ang pulisya kaugnay sa pamamaslang.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ronald Villaranda, ng Station Investigation and Detective Management Section, (SIDMS), naganap ang insidente sa Magsaysay Ave., Barangay Guadalupe Nuevo, dakong 8:00 ng gabi.

Sa ulat, naglalakad ang biktima kasama ang misis niyang si Jenifer, karga ang kanilang anak, nang sumulpot ang suspek na bumaril sa kanyang ulo.

Ayon sa misis ng biktima, noong nakaraang linggo ay  nakatanggap ng death threat ang kanyang mister dahil sa utang na 5-6. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *