Saturday , November 23 2024

Mag-utol na paslit nalunod sa condo pool

NAMATAY ang magkapatid na babae at lalaki nang kapwa malunod habang naliligo sa swimming pool Muntinlupa City kamakalawa ng hapon sa .

Dead-on-arrival sa Medical Center of Parañaque ang mga biktimang sina Stephanie Gayle Arellano, 7, estudyante, at Wayne Alfred Arellano, 4, ng No. 303 San Guillermo St., Putatan.

Ayon kay Supt. Allan Nobleza, officer-in-charge ng Muntinlupa Police Station, bago naganap ang trahedya, ang magkapatid kasama ang kanilang magulang ay bumisita sa kanilang kaanak sa Lakefront Condominium Bgy. Sucat, Muntinlupa, dakong 5:30 p.m.

Naisipan mag-swimming sa naturang lugar ang magkapatid na pinayagan ng amang si Alex Arellano, saka iniwan silang naliligo habang pinabantayan ang dalawa sa kapatid niyang si Virgilio Arellano, 13.

Sa ulat, napabayaan umano ni Virgilio ang mga pamangkin at huli na ng makita niyang nalunod na sa swimming pool ang dalawang bata.

Nalaman lamang ni Alex ang pangyayari makaraang makatanggap siya ng text messages na nalunod at isinugod sa ospital ang kanyang mga anak.

(MANNY ALCALA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *