NAGPATUPAD ng rotating brownout sa National Capital Region ang Meralco simula kahapon ng hapon.
Ito ay kasunod ng emergency shutdown ng kanilang Pagbilao Power Plant sa Quezon province.
Ayon sa Meralco, kabilang sa apektadong mga lugar ang bahagi ng Manila, Quezon City, Malabon, at Navotas.
Kasama rin sa makararanas ng power blackout ang Marilao, Meycauayan, San Jose, Del Monte at Sta. Maria sa lalawigan ng Bulacan.
Ang brownout ay tumagal hanggang 4 p.m. kahapon.
“There is a tentative 1 hour rotating brownout due to a power supply deficiency affecting portions of Manila, Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas and Marilao, Bulacan. Please bear with us,” ayon sa Meralco sa kanilang Twitter account.