Wednesday , November 6 2024

Ping bading — Miriam (Bwelta ng idinawit)

NAGING personal ang naging bwelta ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kay dating senador at ngayon ay Rehabilitation Czar Panfilo “Ping” Lacson nang idawit ang kanyang pangalan sa kontrobersiyal na “Napoles list”.

Ayon kay Santiago, kwestyonable ang pagkalalaki ni Lacson.

“Anyone can make lists. I was told that there is a list entitled ‘closeted gays or bisexuals in public service.’ I was given names, and I was requested to say ‘Yes’ or ‘No’ on whether the person was truly in the list. When the name Pinky Lacson was called, I said ‘Yes,’” ani Santiago.

Hindi pa nakontento ang senadora sa panlalait kay Lacson, sinabi niyang nakatakdang mag-leave of absence ang dating senador para magpa-gender change sa Amerika.

“Anyway, there is an affidavit, although unsigned, circulating in Metro Manila that Pinky Lacson has asked for leave of absence from Malacañang. The highly confidential reason is that he is scheduled for a gender change operation in a remote clinic in the United States,” dagdag ni Santiago.

Binigyang-diin ni Santiago na kailanman ay hindi siya nakipagtransaksyon kay Napoles at ang mga kumakalat na ‘Napoles list’ ay walang batayan at lalong walang ebidensya.

-NINO ACLAN (May kasamang ulat nina BHENHOR TECSON, CAMILLE BOLOS, NIKKI-ANN CABALQUINTO, LARA LIZA SINGSON, at ANTONIO MAAGHOP JR.)

Naduwag kay Miriam
PING ‘NAG-ISYU’ NG GAG ORDER SA SARILI

MAKARAAN ilabas ni Sen. Miriam Defensor- Santiago ang kanyang listahan ng ‘closeted gays or bisexuals in public service,’ kasama ang isang “Pinky Lacson,” nagpatupad ng self-imposed gag order si rehab czar Panfilo Lacson kaugnay sa isyu ng Napoles list.

Sinabi ni Lacson, hindi siya inutusan ni Pangulong Benigno Aquino III na tumahimk sa usapin bagkus ay nais lamang niyang muling ibaling ang atensyon sa trabaho niya bilang rehab czar.

“No gag order from the President. I just want to refocus on Yolanda at this critical time when the PDNA and the cluster groups’ reports are to be presented to the cabinet and the president,” ani Lacson sa text message sa mga mamamahayag.

Tinawag ni Santiago si Lacson na gay at attack dog ni Sen. Juan Ponce-Enrile makaraan isiwalat ng dating senador na isa siya sa mga opisyal ng gobyerno na nasa Napoles list, kasama nina Enrile, Budget Secretary Florencio Abad, Senators Francis Escudero, Alan Peter Cayetano, Gringo Honasan, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Samantala, itinanggi ni Abad na nagkaroon sila ng transaksyon ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles noong siya’y mambabatas pa ng Batanes.

Kaugnay nito, tiniyak ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., nananatili ang tiwala ni Pangulong Benigno Aquino III  kay Abad.

(ROSE NOVENARIO)

ADMIN ALLIES  SA NAPOLES LIST  ‘DI ITATAGO

TINIYAK ng Malacañang na hindi pagtatakpan, iliiligtas o ipagtatanggol ang mga kaalyadong nadadawit din sa pork barrel scam.

Magugunitang pinangalanan kamakalawa ng gabi ni Rehab czar Ping Lacson batay sa kopya ng listahan na sinasabing nagmula kay Janet Lim Napoles, ang ilang kaalyado ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na nasa Napoles list gaya nina Sens. Alan Cayetano, Chiz Escudero, Miriam Defensor-Santiago at Budget Sec. Butch Abad.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, malinaw ang posisyon ni Pangulong Aquino na hayaang ebidensya ang magdikta sa takbo ng imbestigasyon.

Ayon kay Coloma, walang kakampihan ang administrasyon kahit sino pa ang madidiin sa anomalya.

“Malinaw ang batayang prinsipyong itinakda ni Pangulong Aquino sa simula’t sapol: hayaang ituro ng ebidensya ang direksyon ng pagsisiyasat. Walang hinihiwalay o kinakampihan, basta’t konkretong ebidensya ang batayan,” ani Coloma.

Kasama rin sa listahan ni Lacson ang iba pang incumbent senators na sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Ramon Revilla, Jr., Pia Cayetano, Gringo Honasan, Lito Lapid, Loren Legarda, Bongbong Marcos, Koko Pimentel, at Vicente Sotto.

Nabanggit din sa listahan ang mga dating senador na sina Edgardo Angara, Joker Arroyo, Manny Villar, Tessie Aquino Oreta, Ramon Magsaysay, Jr., at ang yumaong si Robert Barbers.

CIDG SA SENATORS ARREST ITINANGGI

ITINANGGI ng liderato ng Senado na kinausap ang mga pulis na silang mag-aaresto sa mga senador na dawit sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.

Magugunitang kahapon ay inamin ni CIDG director C/Supt. Benjamin Magalong na ipinatawag siya sa Senado ngunit tumanggi siyang idetalye kung may kinalaman sa pag-aresto sa mga senador sakaling lumabas na ang warrant of arrest kapag sumampa ang kaso sa Sandiganbayan.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, walang katotohanan na kinausap niya ang CIDG kundi ang nakausap niya ay ang cigarette manufacturers na walang kinalaman sa pork scam.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *