Sunday , December 22 2024

Dumarami ang bulilyaso sa BoC-North Harbor

May impormasyon tayo na may ilan pa rin d’yan sa Bureau of Customs ang makapal ang mukha dahil hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ang pag-i-issue ng Hold/Alert Order para sa kanilang pansariling pagkakakitaan.

Alam kaya ni BoC Comm. Sunny Sevilla, na may ilang  MULTI-CAB na lumalabas sa pier na  wala raw Certificate of Payment (CP). Sino ba ang nag-iisyu ng CP?

Kamakailan ay may malaking bulilyaso nangyari sa isang pantalan, may dumaong kasing mga sasakyan (old Totoya Sequoia at coaster) sa North Harbor na galing sa isang probinsiya. Ginamit kasi ang sasakyan ng isang malaking sekta sa isang event nila sa Mindanao at pabalik na ng Maynila nang biglang pinigil ng Customs sa North Harbor (NH).

Ang buong akala  ng mga awtoridad ng Customs North Harbor ay mga ‘parating’ ang sasak-yan kaya mabilis pa sa alas-kuatro na nag-issue ng hold order sa nasabing mga sasakyan.

Ayun na-wow mali ang mga kamote!

Kaya nang nakarating sa BoC Commissioner office ang pangyayari at reklamo ay agad na ipina-release ang sasakyan na inabot ng hatinggabi sa NH dahil hindi naman ito isang importation.

Marami na rin negosyante na may kargamento na naglalaman ng mga used clothings na  ibebenta sa kanilang  probinsiyaa ay naho-hold pa raw sa North Harbor.

Pati nga raw mga balikbayan boxes ay nahahassle rin.

Mga base oil na galing Gen. Santos, mga lokal na mais na sa hindi malamang dahilan ay kanilang sinisita sa North Harbor (NH).

Ang tanong  natin sa mga opisyal ng North Harbor, kumusta na ba ang mga palusutan o para-ting ng mga timber at logs  sa inyong pantalan?

Is it true that the NH district collector is now facing several complaints?

Mr. Commissioner Sevilla, kailan ho ba n’yo itutuwid ang daan diyan sa North Harbor?

Ricky “Tisoy” Carvajal

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *