AYON sa ating source sa Bureau of Customs, bakit raw karamihan sa Importers ngayon ay inililipat ang kanilang mga kargamento at Import Entries mula sa Port of Manila sa Manila International Container Port?
Mas malaki raw kasi ang natitipid ng importer/broker sa imposition ng duties and taxes.
Aba, bakit ganun? May pagkakaiba ba ang TCCP law between the two ports?
Hindi ba nakapagtataka ang nangyayaring ito?
Mr. Customs Commissioner John Sevilla, ano nga ba ang diperensya o kaibahan ng proseso sa dalawang puerto lalo na sa pagbubuwis? Mas mataas o mababa ba sa magkabilang pier?
May mga nagsasabi naman na ang dahilan daw po ay dahil mas mahusay at mabilis daw ang serbisyo sa MICP dahil kompleto at mayroon modern equipment.
‘Yan ba talaga ang dahilan ‘tol?
Hindi naman kaya very unfair ang pagbibigay ng mataas na buwis sa POM at mababa sa MICP. Hindi ba dapat lang na ipatas ang pagpapataw ng buwis para may uniformity?
Ano kaya ang masasabi ng acting Customs Director ng IMPORT ASSESSMENT SERVICE (IAS) sa nangyayari between the two Ports?
Is this part of your monitoring program and reforms sa assessment?
Sa totoo lang, hindi na po bago ang ganitong kalakaran sa importers at brokers sa customs, kaya dapat lang na parehas ang kanilang playing field ng District Collector.
BoC Comm. John Sevilla, ilagay mo sa matuwid na landas ang mga kalakaran na mali tulad nito.
Ricky “Tisoy” Carvajal