SUMUKO na ang modelong si Deniece Cornejo sa Camp Crame.
Sinabi ni PNP spokesman Reuben Theodore Sindac, dakong 4 p.m. kahapon nang dumating sa Camp Crame si Cornejo at dinala sa tanggapan ni PNP chief General Alan Purisima.
Si Cornejo ay nahaharap sa kasong serious illegal detention na walang piyansa, at grave coercion kaugnay sa pagbugbog sa TV host-actor na si Vhong Navarro.
Si Cornejo ang nag-akusa rin kay Navarro ng panghahalay na naging dahilan kung bakit nabugbog ang aktor ng grupo ni Cedric Lee na mga kaibigan ni Deniece.
Ngunit ibinasura ng Deparment of Justice ang kasong rape na inihain ni Cornejo laban kay Navarro.
Una nang naaresto ng NBI sina Lee at Simeon “Zimmer” Raz sa Oras, Eastern Samar.
Nakalalaya pa rin ang iba pang mga akusado na sina Jed Fernandez, JP Calma at Ferdinand Guerrero.
HATAW News Team