UMAASA ang Malacañang na agad aaksyonan ng Kongreso ang limang priority legislative measures na naglalayong i-modernize ang Bureau of Customs (BoC) at ayusin ang tax incentives sa mga negosyo.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kabilang dito ang Tax Incentives Management and Transparency Act, Fiscal Incentives Rationalization Plan, Customs Modernization and Tariff Act, Rationalization of the Mining Fiscal Regime at renewal ng Philippine National Railways franchise.
Ayon kay Coloma, layunin ng rationalization of fiscal incentives na makakolekta ng P10 bilyon buwis.
Habang inihayag ni Coloma na ihahabol ngayong buwan ang final draft ng Bangsamoro Basic Law makaraan mabusisi ng Palace legal team.
Ang BBL ay nakatakdang sertipikahang urgent ng Pangulong Benigno Aquino III.
(ROSE NOVENARIO)