Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

13 Pinay 6 dayuhan ‘sex workers’ nasagip

NAILIGTAS ng pinagsanib na pwersa  ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 19 guest relations officer (GRO) kabilang ang anim na dayuhan, na hinihinalang nagbebenta ng aliw sa isang club sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Pasay City Police,  sinalakay ng NBI, Anti-Trafficking Division at DSWD  ang Starwood VIP Lounge, nasa Gil Puyat Avenue,  dakong 2:00 a.m. kahapon.

Na-rescue ang 13 Pinay, 3 Russian at 3 Ukranian na sinasabing  sex workers sa naturang club.

Sinabi ng mga awtoridad, ito ang kauna-unahang pagkakataon naka-enkwentro sila ng club na may mga dayuhan  na nagtatrabaho bilang GRO sa nasabing bar na dating nasa  Makati na inilipat sa Pasay. Napag-alaman, na P1,500 ang bayad para sa pagla-lap dance ng walang saplot at P8,000 hanggang P10,000 kapag kasama ang babae sa VIP room.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …