Thursday , October 31 2024

Susme, truck holiday ule?!

Jesus said, “I give them eternal life, and they shall never perish; no one can snatch them out of my hand. My Father, who has given them to me, is greater than all; no one can snatch them out of my Father’s hand. I and the Father are one.” –John 10-28-30

AYSUS, ano ba ito mga kabarangay?! Nagsagawa muli kahapon ng truck holiday ang mga driver at pahinante sa South Harbor na nagpoprotesta sa patuloy na umiiral na daytime truck ban policy sa Maynila.

Bumulaga agad sa bukana ng Manila International Container Port (MICP) ang hindi pagbiyahe ng drivers at pahinante bilang protesta sa nararanasang hirap sa pagpapatupad ng truck ban.

***

REKLAMO nila, abusado ang traffic enforcers dahil sa walang habas na panghuhuli at pangongotong sa kanilang hanay.

Imbes tiketan ay hinahatak ng towing ang mga truck, hiniling  nila ang pagbuwag sa Ordinance No. 8336 o ang truck ban ordinance na pasimuno ni Manila 3rd District Councilor Manuel “Letlet” Zarcal.

***

KAYA dapat na talagang rebisahin at pag-aralan ng Manila City government ang pagpapatupad ng truck ban sa Lungsod.

Malaking epekto na ang idinudulot nito kapwa sa truck drivers at sa pagnenegosyo hindi lamang sa Maynila kundi sa buong bansa.

Ramdam na ramdam ang kapalpakan ng truck ban!

Sa truck holiday na isinagawa kahapon sa MICP, hindi pa kalahok dito ang grupo nina Teddy Gervacio, Presidente ng Integrated North Harbour Truckers Association at Ruperto Bayucot, Presidente naman ng Confederation of Truckers Association of the Philippines.

Kung nagsama ang dalawang malaking grupong ito, nakupoo, tiyak paralisado ang merkado, walang produktong makararating sa ating mga pamihilihan.

Wala nang French fries at burger na makakain ang anak ko!

Ehek!

Sa kabila nito, patuloy na nakikipag-usap ang dalawang grupo ng truckers sa city hall officials upang makagawa ng isang win-win solution sa problema.

Idinaraan pa rin ng nasabing grupo sa isang dialogo ang usapin kaya sana naman huwag sagutin ng mga opisyales ng Lungsod ang marahas na hakbang gaya ng pagdakip sa mga lider ng grupo.

Hindi naman sila mga rebeldeng MILF!

SI ERAP ANG PAG-ASA!

SI dating Pangulong Erap na lamang ang tanging pag-asa upang matuldukan na ang paghihirap na idinulot ng anti-poor policy sa Lungsod.

Parusahan din ang mga kotongerong traffic enforcers ni MTPB officer in charge Don Carter Logica at buwagin ang private towing services na dagdag pahirap hindi lamang sa mga trucker kundi maging sa mga motorista.

Scrap the truck ban ordinance! Asap!

***

AT sana ito na lang ang pa-birthday ni dating Pangulong Erap sa mga Manilenyo, walisin ang mga abusado niyang opisyal sa city hall.

Sipain ang mga nagtsutsu sa kanya na nagsasabing positive ang feedback niya sa Manilenyo. Gaya ng paulit-ulit nating sinasabi, ito ang sinasabi ng matatanda sa mga ganitong asal.

“Hampas sa kalabaw sa kabayo ang latay” — ang konseho ang hinahampas pero kay Erap tumagos ang latay!

MAHIMASMASAN SANA

ANG MGA TAGA-CITY HALL

Chairman santos, sana nahimasmasan na ang mga opisyales ng manila city hall nitong semana santa sa kanilang mga maling patakaran at anti-poor policy, ibalik sana nila ang mga libreng basic services——Mang Pandoy

PENITENSYA KAHIT TAPOS NA

ANG SEMANA SANTA

Tapos na ang mahal na araw pero parang nagpepenitensya pa rin kami sa hindi makataong pagrtrato sa aming mga vendors d2 sa Blumentrit, paki abot naman po ninyo kay Mayor Era pang sumbong naming ito—vendors sa blumentritt

BRGY AT PULISYA

OKS SA KANILA

Tama kau che santos, dpat magkaisa muli ang barangay at pulisya sa pagsugpo ng krimen sa lansangan, mabuti at naicp din yan ni General Asuncion ng MPD, malaking tulong ang barangay sa peace and order ng ating minamahal na Lungsod—0923111770++

WALANG DIYOS ANG TOWING!

Buwiseet tlga ang mga RWM towing, kahit mahal na araw, wala silang pinapatawad, wala bang mga diyos ang may-ari nyan? —092370101+++

HANAP PULIS SA ARRANQUE

Grabee na ang krimen sa Mynila Chairman, nitong Linggo naglalakad lang ako sa Recto mlapit sa arranque, pinitas ang hikaw ng katabi ko sabay naglakad lang un namitas, wala kaming makitang pulis sa kalye kya ganoon na lamang katalamak ang snatching duon—09275692+++

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355.  Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Magic Voyz

Magic Voyz ‘di lang sa looks angat (Mahusay ding kumanta at sumayaw)  

MATABILni John Fontanilla GUWAPO at mahusay umawit ang walong miyembro ng uprising boyband sa bansa …

Francine Diaz Malou de Guzman 2

Malou de Guzman proud makasama si Francine Diaz sa advocacy film na ‘Silay’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG pelikulang Silay ay isang advocacy film na nagpapakita kung …

Apple Dy Aya Topacio Stephanie Raz Ghion Espinosa Bobby Bonifacio

Apple hanggang may project at offer maghuhubad— Pero siyempre gusto ko ring gumawa ng mainstream movies

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “MARUNONG kaming magmahal.” Ito ang tinuran ni direk Aya Topacio ukol sa inspirasyon …

Francine Diaz Malou de Guzman

Francine ‘wa ker kahit ‘di bida sa pelikula

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPURI-PURI ang pagtanggap ni Francine Diaz sa advocacy film na Silay na pinagbibidahan ni Malou …

Yul Servo Joel Chua

VM Yul kompiyansa at buo ang suporta kay Cong Chua!

TAHASANG inihayag ni Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto ang kanyang buong pagsuporta sa muling …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *