Saturday , November 23 2024

Cagayan mayor itinumba sa flag raising

042214_FRONT
TUGUEGARAO CITY – Patay ang mayor ng bayan ng Gonzaga, Cagayan makaraan barilin ng grupo ng kalalakihan dakong 8 a.m. kahapon.

Kinilala ang biktimang si Mayor Carlito Pentecostes.

Ayon kay John Pentecostes, pamangkin at driver ng alkalde, duguang humandusay si Mayor Carlito sa harap ng municipal hall makaraan pagbabarilin ng mga armado.

Aniya, kasagsagan ng flag raising ceremony nang dumating ang armadong grupo na nakasuot ng camouflage at lumapit sa alkalde.

Binati pa aniya ni mayor ang grupo ngunit agad siyang pinagbabaril.

Sinabi ni John, iginapos ng grupo ang dalawang pulis na nakatalaga sa municipal hall nang mangyari ang insidente.

Nabatid na sasakyan ng mga pulis ang ginamit na get-away vehicle ng mga suspek.

Tinatayang nasa 30 ang bilang ng mga kalalakihang nagsagawa ng krimen.

ni BETH JULIAN

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *