Friday , April 25 2025

Aburidong ina, 2 paslit inatado sa tagaan

040614_FRONT

NAGMISTULANG inatadong karne ang bangkay ng isang 12-buwan gulang na sanggol, 3-anyos paslit, at isang ina na hinihinalang nawawala sa sarili nang madatnan ng mga awtoridad sa Cauayan, Negros Occidental, nitong nakaraang Biyernes.

Patay na nang datnan ng mga awtoridad ang ginang na nawawala sa sarili, kinilalang si Perlita Sagmon, 43, sinabing siya rin tumaga hanggang mamatay sa kanyang 1-taon gulang na sanggol, at  sa 3-taon gulang paslit na anak ng kapitbahay.

Sa report ng pulisya, karga-karga ang anak na sinugod ni Sagmon ang mag-asawang kapitbahay na sina Leah Lyn at Rodney Montilla, sa Brgy. Baclao, Cauayan, Negros Occidental, sa hindi pa malamang kadahilanan.

Pagpasok sa bahay, sinugod ng taga ni Sagmon si Leah Lyn, na noon ay nagluluto, pero naka-ilag at nakatakbo palabas ng bahay ngunit naiwanan 3-anyos na anak.

Habang humihingi ng saklolo si Leah Lyn ay pinagtataga na ni Sagmon ang 3-anyos paslit hanggang mapatay saka isinunod na pinagtatataga ang sariling anak na hindi rin tinirahan ng buhay.

Samantala, pabalik na si Leah Lyn kasama ang asawang si Rodney, pero dahil nakitang patay na ang dalawang paslit,  agad din sinugod ng taga ni Rodney si Sagmon na namatay noon din.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente habang si Rodney ay nasa kustodiya ng mga awtoridad.

ni Beth Julian

MAG-INA PATAY  SA SAKSAK  NG ADIK

LAGUNA –Patay ang mag-ina nang matagpuan ng mga awtoridad nang pagsasaksakin ng 27-anyos adik, sa Brgy. Quinale, Paete, Laguna, iniulat kahapon ng umaga.

Sa nakarating na report kay S/Insp. Virgilio Solleza, hepe ng pulisya, kinilala ang mga biktimang  sina Lilia Gajera, 46, at anak niyang si Piel, 21, pawang mga residente sa Cajumban St.

Tinadtad ng saksak ng suspek na si Jayson Dalayang sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-ina na kanilang ikinamatay noon din sa Brgy. Maytoong.

Sa inisyal na ulat, dakong 7:00 ng umaga nang madiskubre ng mga kapitbahay ang bangkay ng mag-ina nang makitang  nagtatakbo palabas ang suspek na may bahid ng dugo ang damit at mga kamay kaya agad nilang ini-report sa mga awtoridad.

Sa pamumuno ni Solleza, agad nagresponde  ang mga kagawad ng Paete PNP kaya agad naaresto ang suspek na nagtatago sa kanilang bahay.

Ayon sa ulat, dakong 6:00 a.m., nagtungo ang suspek sa bahay ng mag-ina para mangutang ng pera sa tiyahin na si Lilia pero hindi napautang.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang ginamit na kutsilyo ng suspek  at  kanyang  inamin sa harap ng mga awtoridad ang pagpatay.

Si Dalay ay kasalukuyang nakapiit sa Paete PNP lock up cellna sasampahan ng kasong murder.

(BOY PALATINO)

5 ADIK TIMBOG SA RAID

Limang drug addict ang inaresto sa isinagawang anti-drug operation sa Triangulo, Guadalupe 2A, San Pablo City, Laguna.

Kinilala ang mga na-arestong sina Allan Estoy, Diony Garcia, Paulo Angelo Bati, Asuncion Pallos, 70, at Lorena Cortez.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng ulat na nagsasagawa ng pot session sa nabanggit na lugar ang mga suspek kaya agad itong ni-raid.

Narekober sa mga suspek ang pitong sachet ng shabu at iba’t ibang drug paraphernalia.

(Beth Julian)

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *