Wednesday , May 7 2025

Yolanda victims bawal sa coastal (40-metro malayo sa dalampasigan)

INATASAN ng Palasyo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na konsultahin  ang lahat ng apektadong sektor bago ipatupad ang “no-build zone policy” sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

“We’ll flag the DENR for this and perhaps they can set some consultations, if it’s possible, for other stakeholders that have concerns on the “no-build zone policy,” ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Giit niya, ang kaligtasan ng mga mamamayan ang pinakamahalaga sa administrasyong Aquino kaya nagtakda ng “no-build zone policy” na 40 metro ang layo mula sa baybaying dagat.

Una nang tinawag na demolition czar ng People Surge Alliance si rehab czar Panfilo Lacson, dahil sa pagbabawal sa mga residente na makabalik sa kanilang komunidad sa baybaying dagat dahil umano sa hindi patas na ‘no-build zone policy’ habang inilulubog sila sa utang sa pamamagitan ng microfinancing imbes bigyan ng tulong upang maibangon ang kabuhayan.

“Sec. Lacson makes that much, much worse by doing the coup de grace after the storm by banning the poor from returning to coastal communities, while saddling the peasants with heavier debts through microfinancing. Thus we are compelled to say Sec. Lacson is a czar of demolition and not reconstruction,” ani Sr. Edita Eslopor, People Surge spokesperson.

Binigyang-diin ni Eslopor na ang ipinatutupad  ni Lacson na Reconstruction for Yolanda (RAY) ay pabor sa malalaking kapitalista at mga dayuhang banko na makikinabang sa malawakang pagtustos sa impra-estruktura sa gitna ng mas mahalaga at kagyat na pangangailangang tugunan ang pinsala ng Yolanda sa agrikultura.

“The RAY is patterned on the “Build Back Better” scheme in Haiti and other underdeveloped countries stricken with calamities. It is meant to perpetuate the rule of local tyrants and their foreign masters,” diin ni Eslopor.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

HIV drug pusher swak sa P.4 milyong shabu

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District — Batasan Hills Police Station (QCPD-PS6) …

Jaye Lacson-Noel

Ayon sa mga survey  
JAYE LACSON-NOEL NEXT MAYOR NG MALABON

KUNG ang lahat ng ginawang surveys sa Malabon City ang magiging batayan ng paparating na …

Sara Duterte Zuleika Lopez Atty Lorna Kapunan

Disbarment laban kina VP Sara, Zuleika nararapat — Kapunan

IGINIIT ni Atty. Lorna Kapunan na bukod kay Vice President Sara Duterte ay dapat din …

050625 Hataw Frontpage

FPJ Panday Bayanihan, pasok sa top 2 ng Luzon

HATAW News Team SA PINAKABAGONG WR Numero survey ngayong Abril 2025, pumangalawa ang FPJ Panday …

Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *