Saturday , November 23 2024

Enrile, 80, di-lusot sa kulong

040514_FRONT

WALANG batas na nagsasabing ang akusadong lampas 80-anyos, tulad ni Sen. Juan Ponce-Enrile, ay pwedeng malibre sa pagkakapiit sa regular na selda.

Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda hinggil sa posibilidad na makulong sa regular jail si Enrile sakaling maisampa na ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban sa senador kaugnay sa P10-B pork barrel scam.

Giit ni Lacierda, tanging ang korte lamang ang pwedeng magdesisyon kung si Enrile, pati sina Sens. Jinggoy Estrada at Bong Revilla, ay maaaring isailalim sa hospital arrest tulad ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.

Gayonman, nakadepende aniya ito sa mosyon na ihahain ng mga abogado ng akusado at sa magiging aksyon ng Sandiganbayan.

ni ROSE NOVENARIO

SENADO BAHALA SA 3 PORK SENATORS — PALASYO

DUMISTANSYA ang Malacañang sa panukala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat pagbakasyonin ang lahat ng senador na sasampahan ng kaso sa Sandiganbayan kaugnay sa P10-B pork barrel scam.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang mga senador ang dapat tumalakay sa usapin dahil  may umiiral na mga patakaran na pwedeng gawing tuntungan ng diskusyon sa Senado.

“I think that is something that the senators themselves, as a body, should discuss and… My impression and my belief is that there are already rules in place for the senators and for the Senate as a body to discuss. So, we would rather not discuss that comment on a separate branch of government,” ani Lacierda.

Ngunit bilang abogado, sinusuportahan ni Lacierda ang panawagan na pairalin ang “due process” sa pagsuspinde sa sino mang mambabatas na sabit sa isyu ng paglulustay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

(ROSE NOVENARIO)

JINGGOY ’DI HIHIRIT NG SPECIAL CELL

WALANG balak si Sen. Jinggoy Estrada na humirit ng “special detention facility” kapag ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya kaugnay sa kinasasangkutang kaso sa multimillion-peso pork barrel funds.

Ginawa ni Estrada ang pahayag sa harap ng panawagan na dapat ipiit sila ng kapwa-akusado na sina Juan Ponce Enrile at Bong Revilla, Jr., sa regular na kulungan.

Aniya, tatalima siya kung ano man ang ipag-uutos ng korte sa kanyang kaso.

Kaugnay nito, muling nanindigan ang senador na wala rin siyang balak na maghain ng “leave of absence” sa Senado makaraan irekomenda ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa sa kanila ng kasong plunder, graft at corrupt practices.

Una rito, inihirit ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat mag-leave sa Senado ang tatlong senador na akusado sa pork barrel scam.

Siniguro rin ni Estrada sa mga kababayan na babalik siya ng bansa sa April 21 makaraan ang bakasyon sa Amerika.

BANK ACCOUNTS, ASSETS NG 3 SENADOR IPI-FREEZE NG AMLC

POSIBLENG i-freeze ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang bank accounts at assets nina Senators Juan Ponce Enrile, Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., at Jose ‘Jinggoy’ Estrada.

Ito ang pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima. Gayonman, sinabi ni De Lima na hindi niya maaaring sabihin ang magiging estratehiya ng ALMC kaugnay sa kasong plunder at graft na kinakaharap ng tatlong senador, “suffice it to tell you that AMLC is working on these.”

Diin ni De Lima, ang forfeiture and asset recovery ay “integral part of exacting justice in corruption cases, and is the fifth mandate of the Inter-Agency Graft Coordinating Council (IAGCC).”

3RD BATCH NG ‘PORK’ SCAM CASES KASADO NA

HANDA na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa paghahain ng dalawang bagong sets ng pork barrel scam complaints, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima.

Ayon kay De Lima, ang pinag-aaralan na lamang aniya ay kung alin sa dalawa ang unang isasampa.

Ang isang kaso ay kaugnay ng multibillion-peso pork barrel scam, o ang tinaguriang 3rd batch, aniya.

Kabilang aniya rito si pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles, ilang mambabatas at mga opisyal ng implementing agencies. Kabilang din aniya rito ang bagong mga personalidad.

Gayonman, tumanggi si De Lima na tukuyin ang mga personalidad na maaaring kasama sa bagong sets ng kasong isasampa.

Tumanggi rin siyang kompirmahin kung kabilang din sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa sasampahan sa 3rd batch.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *