God made him who had no sin to be sin for us, so that in him we might become the righteousness of God. –2 Corinthians 5:21
ALAGA ba ng mga tauhan ni PCP Plaza Miranda Commander P/Insp. Rommel Anicete ang mga kilabot na mandurukot d’yan sa kahabaan ng Carriedo sa Sta. Cruz, Maynila?
May nag-tip kase sa atin na minsan na palang “nahuli” ng mga pulis ni P/Insp Anicete ang grupo ng mga mandurukot dyan sa Carriedo noong Marso 12, pero sa hindi malamang dahilan ang grupo ng mandurukot na ito pa rin ang namamayagpag sa kanilang area of responsibility (AOR)
Anyare Tinyente Anicete?!
***
HETO ang mga kilabot na mandurukot sa Carriedo na binubuo ng mga bakla at teenagers kilala sa mga alyas Jennilyn, Benny, Harold, jacklyn at Marilyn Balat.
Diyoskupo, ‘wag naman sanang ikatwiran ni Tinyente Anicete na nakalaya ang mga mandurukot, dahil nakapagpiyansa o umurong ang mga complainant sa kaso.
Susme! Anong klaseng katwiran ‘yan, bulok na bulok!
***
SIMPLE lang naman mga kabarangay, hindi naman maglalakas loob ang mga mandurukot na ito, kung walang nagbibigay sa kanila ng proteksyon.
Paano ba naman, ilang hakbang lang mula sa PCP Plaza Miranda ang Carriedo, kung bakit hindi mabantayan o itaboy man lamang ang mga kilabot na mandurukot sa lugar?
Ikot-ikot ka minsan sa AOR mo Tinyente, pag may time!
***
MAGTATAKA ka kase, halos araw-araw na inirereklamo ang mga inisdente ng pandurukot, pero walang aksyon ang pulis, na kahit magronda lang upang masupil ang ginagawa ng mga kawatan.
Haaay naku, ano kaya ang masasabi ni MPD Stn 3 Commander Supt. Adrine Gran sa performance ni Insp. Anicete?
Teka, itanong natin kay MPD Director Rolando Asuncion, Sir, okey ba sa inyo si Tinyente Anicete?
MAYOR LIM, ISA PA NGA!
UMANI nang papuri mula sa mga Netizens (katawagan sa mga taong mahilig mag-fb, twitter, instagram at iba pa sa internet) ang pagtulong ni Mayor Alfredo Lim sa mga nasunugan sa Moriones, Tundo.
Ang daming bumati kay Mayor Lim at nagpapasalamat ng personal itong magtungo at makisampatiya para mamahagi ng financial assistance sa may 500 katao mula sa Barangay 123.
***
HINDI nila akalain na magpupunta sa nasunugang barangay si Mayor Lim, kaya naman nakakabinging sigawan ang ginawang pagsalubong sa kanya ng mga residente doon.
Iisa rin ang kanilang tanong kay Mayor Lim. Kailan daw ba ito babalik sa city hall? Inip na inip na daw sila makabalik si Mayor Lim.
Aba kung kayo inip na, mas lalo ako! Hehehe!
***
SA talaan ng kanyang facebook account (Fred Lim) ay mayroong ng 22,047 followers habang sa kanyang twitter account (@TheMayorLIM) ay mayroon na rin 11,200 followers,
Malinaw na patok pa rin sa masa’t kabataan si Mayor Lim na patuloy at walang sawang sumusuporta sa kanya saan man magpunta.
Kaya Mayor Lim, isa pa nga!
TEXT REACTIONS
BILANG public service natin sa mga Manilenyo, isumbong natin kay Pangulong Erap ang mga ipinararating na text messages satin ng mga avid readers ng ating kolumn para sa agarang aksyon at solusyon.
Narito ang mga ipinaabot n’yong text messages:
BIKTIMA NG RIDING IN TANDEM
Kami din po ay biktima ng riding in tandem d2 a tundo, wla po kc kme makitang pulis sa kalsada, kya wala kmi mahingan ng 2long chairman santos—09323278+++
TALAMAK ANG KRIMEN SA ABAD SANTOS
Talamak po tlga ang krimen d2 sa kahabaan ng abad santos, sa tingin kpo kya malkas ang loob ng mga criminal dhil hwak cla ng mga pulis! andami ng nabi2ktima pero wlang gngwa ang awtoridad natin—09275692+++
NAGKALAT ANG MANDURUKOT
SA CARRIEDO
Chairman Santos ang mga mandurukot sa Carriedo, hanggang ngaun, ngkalat pa rin ang madurukot d2, walang ginagawa ang pulis sa Plaza Miranda, kawawa ang mga nadudukutan na karamihan ay mga babae na walang kamalay malay n nabiktima na pala cla ng mga kawatan, dapat umaksyon n d2 ang ct hall! –Juan po
KRIMEN SA MAYNILA EVERYWHERE!
Chairman Santos hindi na tau mgta2ka kng baket andami krimen nangyayari s mynila, kahirapan pa rin ang dhilan, tpos wala ka pang maasahan sa mga pulis na hindi kikilos kpag walang lagay, saan na ppunta ang mynila? Kawa2 ang mynila ibalik nalang ntn c dirty harry!—anonymous
DEMONYO ANG RWM TOWING SERVICES
Demonyo tlaga at pinakasalot sa lht ang RWM towing na ito sa Maynila, khit nakasakay ka sa sskyan, hihilahin pa rin nila, walang mga konsenysa, bakit hinhayaan ito ni myor Erap, ha, Chairman Santos?—09269788+++
MTPB ELITE ENFORCERS, MGA HAMBOG!
Che ligaya ang ya2bang ng mga MTPB elite kpag dumaan cla sa lansangan may wang wang pa ang kanilang motorsiklo akala mo mga VIP humarurot eh mga kotongero naman!—091697344++
***
Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos