KINOMPIRMA ng Palasyo na iniimbestigahan ang pagkakasangkot ng isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay US Sen. Leland Yee na inaresto ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa kasong firearms trafficking kamakailan.
Batay sa ulat, nagbalak si Yee na magpunta sa Filipinas upang tumulong sa pagbili ng mga armas para sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), ngunit lingid sa kanyang kaalaman, isang undercover agent ng FBI ang kanyang kinausap.
“I spoke with Lieutenant Colonel Ramon Zagala this morning, and the AFP is already looking into that particular report. We have also been trying to get a name or at least more information about the alleged involvement of a supposed military officer,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
Inatasan na rin ng Malacañang si Justice Secretary Leila de Lima na alamin sa Bureau of Immigration (BI) ang ulat na dati nang nagtungo sa bansa ang US senator.
ni ROSE NOVENARIO