MANILA, Philippines—Naaresto ng mga operatiba ng military intelligence ang kinikilalang Chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Benito Tiamzon at ang asawa niyang si Wilma, kasama ang 6 pang matataas na opisyal ng central committee at ng armadong New People’s Army, sa Carcar, Cebu, kahapon ng hapon.
Hindi agad naberipika ng mga awtoridad kung ang isa sa mga kasama ni Wilma ay ang asawang si Benito Tiamzon, chairman ng CPP-NPA.
Sa pagkakadakip sa lalaking Tiamzon, naniniwala ang militar na malaking dagok ito sa kilusang komunista.
“We are still establishing if it is indeed Benito Tiamzon,” ayon sa sourece na hindi nagpabangit ng pangalan.
Kung sakaling si Benito Tiamzon nga ang nasakote ng mga military, ito’y isang malaking dagok sa nasabing kilusan , ayon pa sa source.
Ayon sa source, ang 3 lalaki at 3 babae na nadakip kasama ni Tiamzon ay mga kasapi rin ng CPP central committee.
Ayon sa balita, nasa dalawang sasakyan ang grupo nina Tiamzon nang sila’y arestohin ng mga militar dakong 3:10 p.m.
Sinasabing hindi tumutol ang mga naarestong mga lider ng CPP-NPA.
Samantala, hindi ibinunyag ng source kung nasaan ang mga nahuli para sa seguridad umano ng grupo.
Anang source, ang pagkahuli sa mga miyembro ng Central Committee ng CPP ay ang pinakamatagal nang operasyon ng militia.
Noong Sabado, ipinagdiwang ang ika-117 anibersaryo ng pagkatatag ng Philippine Army, na nagunguna sa operasyon para lusawin ang mga komunistang grupo matapos ang World War II.
Ang anibersaryo ng Army ay ginanap kahapon ng umaga sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio, na dinaluhan ng lahat ng high-ranking security officials, sa pangunguna ni Defense Secretary Voltaire Gazmin at Armed Forces chief of staff Gen. Emmanuel Bautista.
Ani Army chief Maj. Gen. Hernando Iriberri, sa kanyang talumpati, patungkol sa pagkakahuli sa grupo ni Tiamzon ay isang mahalagang karangalan para sa internal na operasyong panseguridad ng Army.
Sina Benito at Wilma ang matagal nang kinokonsiderang mas ma-impluwensiyang lider komunista kompara kay Jose Ma. Sison, ang tagapagtatag ng Maoist-inspired CPP at National Democratic Front, na humalili sa kilusang komunista kasunod ng pagbagsak ng Marxist-oriented Partido Komunista ng Pilipinas.
Samantala, sa isa pang mensaheng ipinadala sa media ng Intelligence Service ngArmed Forces of the Philippines, kinompirmang si Benito Tiamzon, ang CPP chairman, at ang kanyang misis na si Wilma, ang umano’y financé officer ng nasabing grupo, ang naaresto kasama ang 4 pa, sa isang Starex van at Toyota Innova sa Barangay Aluginsan, Carcar.
Ang operasyon ay sa ilalim ng pinagsanib na pwersa ng Intelligence Service Group of the Philippine Army, ISAFP, PNP Criminal Investigation and Detection Group at ang Carcar local police, anang mensahe.
Sa bisa ng isang warrant, hinuli ang mga Tiamzon sa kasong murder at frustrated murder na inilabas ng Regional Trial Court Branch 31 sa Laoang, Samar.
Ang mag-asawa ay dinala sa Central Command ng militar.
HATAW News Team